PNP chief Sinas pinangunahan ang ehersisyo ng PNP oifficers sa saliw ng Voltes V theme song

Imahe mula sa NCRPO Fitness Team
  • Pinangunahan ni Maj. Gen. Sinas ang paglulunsad ng NCRPO Fitness Habit sa Camp Gagong Diwa 
  • Nag-ehersisyo ang kapulisan sa saliw ng Voltes V theme song
  • Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang exercise routine na ginawa ng mga opisyal habang nakaupo

Isang araw bago lumuklok sa kanyang bagong posisyon bilang pinuno ng PNP, pinangunahan  ni Major General Debold Sinas ang 4-minute exercise routine ng mga police officers bilang bahagi ng National Capital Region Police office (NCRPO) daily physical fitness initiative.

Imahe mula sa PNA

Ang NCRPO Fitness Habit ay inilunsad ng NCRPO Fitness Team sa NCRPO Grandstand sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City dakong alas-siyete ng umaga noong Lunes, ika-9 ng Nobyembre.

Habang tumutugtog sa background ang Voltes V theme song, ilan sa kanilang exercise routines ay ginawa ng mga opisyal habang sila ay nakaupo, pero may routine din na tumayo sila.

Hindi nagustuhan ng ilang social media users na nakapanood ng video ng NCRPO Fitness Habit ang mga routine na nakaupo ang mga opisyal. Hindi raw sapat iyon para mabawasan ang calories sa katawan.

“What sort of exercise is this? Even elementary students get more strenuous calisthenics than this,” ayon sa isang Twitter user.

“Are they serious? This is exercise? How much of their fats did they burn?” ayon pa sa isang hindi makapaniwala sa kanyang napanood.

Screenshot mula sa ANC video

Maryosep!!! Tumayo kayo at maglakad, mas mabilis makabawas ng calories ‘yun. Hindi na kailangan ng Voltes V bgm (background music). #parangangtamad #angbigatngkatawan,” komento pa ng isang netizen.

Samantala, sa unang mensahe ni Sinas sa hanay ng kapulisan bilang bagong PNP chief, mababanaag ang kanyang pagkahilig sa Voltes V.

“To the men and women of PNP, I expect nonetheless, together with the command group, that we will solidly volt in one aspiration in achieving the mandate of peace and frontliners in upholding the rule of law. Kung hindi kayo makiki-volt-in sa amin, si Voltes V na mismo ang mag-evict sa inyo,” aniya sa kanyang talumpati sa isinagawang PNP Change of Command sa Camp Crame.

Ipinaalala niya sa hanay ng kapulisan ang sinumpaang tungkulin sa pagpapatupad ng batas.

Bilang ama ng PNP organization, simple lang daw ang gusto niya – “We should walk the talk in PNP.”

Screenshot mula sa PNP video

Loading…