Arnold Clavio nagbahagi ng childhood photos sa ika-55 kaarawan

Image by Arnold Clavio via Instagram
  • Arnold Clavio, litaw na litaw ang looks sa mga throwback photos na ini-upload sa social media
  • Parte ito ng kanyang pagdiriwang ng ika-55 na kaarawan
  • Bumuhos ang pagbati para sa batikang mamamahayag ng GMA Network

Litaw na litaw ang kaguwapuhan ng batikang mamamahayag ng GMA Network na si Arnold “Igan” Clavio sa mga throwback photos na ibinahagi nito sa kanyang social media account bilang parte ng kanyang pagdiriwang ng ika-55 kaarawan.

Image by Arnold Clavio via Instagram

Makikita sa video compilation ang mga larawan ng mamamahayag mula pagkabata sa sepia color. Caption niya rito ang “Thank you Lord” na sinamahan ng tatlong nananalanging emoji.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kasamahan niya sa industriya ng pamamahayag kagaya nina Lyn Ching, Nelson Canlas at Ely Saludar. Gayundin mula sa mga celebrities katulad nina Lani Misalucha at Janno Gibbs.

Kilala si Clavio bilang isa sa mga premyadong broadcaster ng GMA. Isa siya sa mga hosts ng morning show na Unang Hirit, co-host sa late-night newscast na Saksi, host ng public affairs program na Alisto!, at host ng  talk show na Tonight with Arnold Clavio.

Mayroon din siyang radio programs na Dobol A sa Dobol B at Saksi sa Dobil B sa Super Radyo DZBB at Hirit Na! column sa tabloid newspaper Abante.

Image by Arnold Clavio via Instagram

Nagtapos si Clavio ng kursong journalism sa UST Faculty of Arts and Letters kung saan siya rin ay bahagi ng editorial team ng newspaper ng paaralan. Una siyang nagtrabaho sa DWIZ bilang news writer at lumipat sa DZBB makaraan ang isang taon.

Umarangkada siya sa telebisyon nang kuning reporter sa Brigada Siete. Naging sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto at nakatanggap ng maraming pagkilala.

Image by Arnold Clavio via Instagram

Kasal si Clavio at mayroon siyang tatlong anak. Itinayo niya ang Igan Foundation na may layong tulungan ang mga mahihirap na mayroong kondisyon na diabetic alopecia.

Panoorin ang video upload ni Igan sa IG:

 

View this post on Instagram

 

Thank you Lord. ??????

A post shared by AkosiiGan? (@akosiigan) on

Loading…