“Queen without a crown”: Michelle Gumabao nagpakain ng lugaw sa Marikina

Image by Michelle Gumabao via Instagram
  • Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michelle Gumabao pinuri sa pagtulong sa mga nasalanta ng baha
  • Post ni Gumabao: “24/7 Lugaw para sa mga displaced residents ng Marikina”
  • Tinatawag siya ngayong “a queen without a crown” yamang hindi siya ang nagwagi sa katatapos lamang na pageant pero patuloy na nagpapakita ng katangian ng beauty queen

Umaani ng papuri mula sa mga netizens ang ginawang pagtulong ni Michelle Gumabao sa mga kababayang nasalanta ng baha kamakailan. Ito kasi’y kahit hindi siya ang nagwagi sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2020; kaya ang tawag tuloy ng ilan sa kanya ay “a queen without a crown.”

Image by Michelle Gumabao via Instagram

“A true beauty queen with a purpose,” anang isang netizen. Saad ng isa pa, “A true queen! God bless you more, ate Michelle. Keep safe always. Praying for your health and safety, thank you for helping other people.”

Komento ito sa Instagram post ni Gumabao kung saan nagbahagi siya ng mga larawang kuha sa ginawang pag-agapay sa mga miyembro ng kapulisan sa Provident Village, Marikina City na labis na naapektuhan ng typhoon Ulysses.

“24/7 Lugaw para sa mga displaced residents ng Marikina. @your200pesos is accepting donations once again, we will distribute all goods together with @pnp_pio Rektang Bayanihan Program,” ang caption niya dito.

Pahayag pa ng 28-year-old beauty queen, libu-libong residente ang napakain nila kasama ang mga uniformed personnel, frontliners, non-government organizations, ahensya ng gobyerno at iba pa na nagbayanihan para matulungan ang mga kababayan.

Nasabi pa nito na maliban sa pagtupad ng mga ito sa kani-kanilang mga katungkulan ay inilagay nila sa linya ang kanilang kaligtasan lalo na at may pandemya ngayon.

Image by Michelle Gumabao via Instagram

Matatandaang naging kontrobersyal si Gumabao dahil sa diumano’y negatibong reaksyon nang hindi siya ang nakoronahang Miss Universe Philippines 2020.

Pagpapaliwanag naman niya, ang kanyang pagkawala makaraan ang coronation ay dahil sa usaping kalusugan.

Image by Michelle Gumabao via Instagram

Loading…