Racing pigeon sa Belgium naibenta sa auction ng mahigit P90-M

Imahe mula sa CNA
  • Naibenta sa halagang P91.5-M ang isang racing pigeon na si New Kim sa Belgium
  • Isa na itong world record matapos talunin ni New Kim ang presyo ni Armando
  • Isang Chinese bidder ang nagwagi na hindi na pinangalanan ng auction house

Isang racing pigeon sa Belgium ang naibenta sa isang auction nang  $1.9-M (1.6-M Euros) or halos P91.5-M na itinuturing ngayong isang world record.

Ang dalawang taong gulang na Belgian racing pigeon na may pangalang New Kim ay binili ng isang Chinese bidder sa diumano’y mainitang auction sa pagitan ng dalawang Chinese nationals nitong Linggo, Nobyembre 15.

New Kim| Imahe mula sa The Brussels Times

Maging ang online auction house na Pipa ay nagulat sa kinalabasan ng bidding lalo pa’t nagsimula lamang ito sa 200 Euros o katumbas ng P11.4k. Patuloy itong tumaas sa mga sumunod na araw at noong nakaraang linggo ay umabot na sa 1.3-M Euros (P74.2-M)

Sa huling 30 minuto noong Linggo ay lalo pang sumirit pataas ang presyo ni New Kim hanggang sa umabot sa winning bid na 1.6-M Euros.

“I believe it’s a world record, there has never been an officially documented sale at such a price. I didn’t think we could reach that amount,” bahagi ni PIPA chairman Nikolaas Gyselbrecht sa AFP.

Nalampasan ni New Kim ang dating pinakamahal na pigeon na si Armando na nabili sa auction noong 2019 sa halagang 1.25-M Euros (P71.35-M). Si Armando ay isa ring Belgian racing pigeon.

Ang record ay dating hawak ni Armando| Imahe mula sa You Tube

“These record prices are unbelievable, because this is a female. Armando was a male. Usually a male is worth more than a female because it can produce more offspring,” ayon pa kay Gyselbrecht.

Si New Kim ay nanalo bilang champion sa  “Ace Pigeon Grand National Middle Distance” na ginanap sa Chateauroux and Argen ton-sur-Creuse sa France taong 2018.

Hindi pinangalan ng Pipa ang nanalong Chinese bidder subalit naniniwala si Gyselbrecht na ibi-breed si New Kim sa China kung saan nauuso na rin ang pagpapalahi ng pigeon.

Loading…