Raffy Tulfo, nag-donate ng P1 million para sa mga naapektuhan ni Ulysses

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action
  • Nag-abot ng P1 milyon si Raffy Tulfo bilang donasyon sa mga naapektuhan ni Ulysses sa Maynila
  • Ipinadala niya ito sa Alagang Kapatid Foundation sa pamamagitan ng kapwa brodkaster na si Cheryl Cosim
  • Paalala nila, bukod sa pagbibigay ng monetary donation ay maraming paraan upang makatulong kagaya na lamang ng pag-volunteer at pagdadasal

Naging emosyonal si Cheryl Cosim mula sa Alagang Kapatid Foundation nang iabot sa kaniya ni Raffy Tulfo ang P1 milyong donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Metro Manila.

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action

Ani Cheryl, nagpapasalamat siya dahil noon pa man daw ay hindi nakalilimot si Raffy na magpaabot ng tulong kapag may kinahaharap na kalamidad ang bansa.

“On behalf of Alagang Kapatid, maraming maraming salamat. Lagi niyang ipinapaalala sa akin at isa sa mga natutunan ko sa maiksing panahon pa lang… He would always remind me not forget to share your blessing,” pagbabahagi niya.

“Kung makikita n’yo ‘yong videos at sitwasyon, ‘di n’yo maiiwasan na maging emosyonal,” dagdag niya pa nang hindi na mapigilang tumulo ang luha. Lumubog kasi sa baha ang ilang parte ng Luzon matapos na hagupitin ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Raffy, nagpadala na rin ng tulong ang kaniyang asawa sa mga taga Bicol kaya naman ang donasyon niya ay ibinigay naman para sa mga nasa Maynila.

Imahe mula sa PCG

Paalala nina Cheryl at Raffy sa mga mamamayan, maaari silang tumulong sa iba’t ibang paraan.

“Ano man pong sobra in kind and in cash, wala pong maliit na halaga. Walang maliit na bagay, walang isang de lata lang ito o isang kilo lang ito. Kapag pinagsama-sama po natin ito, marami tayong mga kababayan na matutulungan,” sabi ni Cheryl.

Bukod sa pagbibigay ng donasyon ay maaari rin daw tumulong sa ibang paraan.

“Mag-volunteer kayo o magdasal po kayo. Malaking bagay ‘yon. Ipagdasal n’yo po ‘yong ating mga kababayan. ‘Yong Panginoon po palagi namang nakasubaybay sa atin. ‘Yon po, malaking bagay na ‘yon. Kung may extra money, why not?” sabi naman ni Raffy.

 

Source :

YouTube

Loading…