Raymart sinampahan ng reklamo ni Claudine dahil sa ‘di pagbibigay ng sustento sa dalawang anak

Imahe mula sa Kapamilya Gallery
  • Nagsampa ng kasong ‘economic abuse’ si Claudine laban sa dating mister na si Raymart
  • Hindi raw nagbibigay ng sustento ang aktor sa kanilang dalawang anak
  • Hindi pa naglalabas ng pahayag si Raymart Santiago tungkol dito

Sinampahan ni Claudine Barretto ng reklamo ang dating asawang si Raymart Santiago dahil sa diumano’y hindi pagbibigay ng sustento ng huli para sa kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Kasong ‘economic abuse’ ang kasong isinampa ni Claudine laban kay Raymart sa Prosecutor’s Office ng Marikina City. Ito ay bilang paglabag umano sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262.

Imahe mula sa FFE Magazine

Sa panayam ng PEP kay Atty. Ferdie Topacio, ang legal counsel ni Claudine, sinabi ng abugado na hindi raw tumutupad ang aktor sa kasunduang magbibigay ito ng P100,000 kada buwan bilang sustento sa kanilang dalawang anak.

“Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na! Nagbibigay siguro, 14 thousand a month, ganun. ‘Tapos, wala na,” ayon kay Topacio.

Napilitan umano ang kampo ng aktres na magsampa ng demanda dahil sa kabiguan ni Raymart na tumupad sa kanilang napagkasunduan noong sila maghiwalay. Ito raw kasi ang kasunduan ng estranged couple noong umabot dati sa korte ang kanilang hiwalayan.

Imahe mula sa GMA News

“Before in court, meron na silang pinirmahan na 100 thousand a month — na pwede-pwede na rin, although insufficient pa rin. But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him,” wika pa ni Topacio.

Dahil nasa piskal pa lang ang kaso ni Claudine, inaasahang magsusumite ng kaniyang counter-affidavit si Raymart.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ng aktor na ngayon ay nauugnay kay Jodi Sta. Maria.

Loading…