#RollyPH: Hollywood stars Mark Ruffalo, Russel Crowe nanawagan ng dasal para sa Pilipinas

  • May mensahe ang dalawang Hollywood actors para sa Pilipinas
  • Sila ay sina Russell Crowe at Mark Ruffallo 
  • Nanawagan sila ng panalangin, kaligtasan, at pagtulong 

Nanawagan ng dasal ng kaligtasan at pagtulong sina Hollywood stars Mark Ruffallo at Russel Crowe para sa  buong Pilipinas, kaugnay ng paghagupit ng super typhoon “Rolly” gayundin sa inaabangang si “Siony,” sa pagdiriwang ng All Saint’s Day nitong Nobyembre 1, 2020.

“Praying for our brothers and sisters in the Philippines, then send donations,” saad ni Ruffalo sa kaniyang Twitter post, na gumanap bilang “The Incredible Hulk” sa blockbuster movie na “The Avengers.”

Public Domain Image

Ganoon din ang panawagan ni Crowe sa kaniyang Twitter post.

“Just read about Super Typhoon Goni [may pangalang Rolly sa Pilipinas].  Extraordinary wind speeds. Hope that it doesn’t make land fall at that force. Thinking of the people of The Philippines and wishing for everybody’s safety,” aniya. Nakilala siya sa pelikulang “Gladiator.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga concerned netizens. Nagpaalala silang ipadala ang mga tulong-pinansiyal sa mga non-government organizations na hindi “ibubulsa” ang mga makokolektang pondo o donasyon mula sa iba’t ibang mga tao, lalo na ang mga padala mula sa ibang bansa.

“Joining you in good wishes for the Philippines… they get slammed too frequently, often with devastating effects,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, Salamat sa magiging donasyon ninyo pero sure akong hindi ‘yan lahat makakarating sa mga biktima dahil kukurakutin lang ‘yan ng mga corrupt na politiko at ahensya!”

“Please send donations to legit organizations please rather than somewhere else, a lot of our brothers need your help right now. More than the material and financial help, we need prayers for emotional, mental, and physical strength. Thank you and God bless you! Stay safe everyone!” pakiusap naman ng isa.

Public Domain Image

Kung wala nang paparating na bagyo, si super typhoon Rolly ang maitatalang pinakamalakas na bagyong nanalasa sa Pilipinas ngayong 2020, kasabay ng hindi pa humuhupang pandemya.

Loading…