San Miguel Corp. nakahanda na ang tulong para sa mga dinaanan ni ‘Rolly’

Imahe mula sa Facebook ni Catanduanes Rep. Congressman Hector S. Sanchez
  • Nakahanda na ang tulong ng San Miguel Corporation para sa Bikol at Katimugang Luzon
  • Ayon kay RSA, inaasahan nilang dadami pa ang bilang ng mga mangangailangan ng tulong sa mga susunod na araw kaya pinaghahandaan na rin nila ito
  • Tiniyak din ng SMC na mas marami pa silang ipadadalang tulong kapag naayos na ang mga kalsada

Naging maagap ang pagtugon ng San Miguel Corporation (SMC) para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo sa Bikol at Katimugang Luzon nitong nagdaang weekend.

Nakahanda na umano ang inisyal na tulong tulad ng pagkain na ipadadala sa Albay, Catanduanes, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon Province, Romblon, Marinduque, Laguna, at Batangas ayon kay SMC president and chief operating officer Ramon S. Ang (RSA).

Inaasahan na rin daw nila na tataas pa ang bilang ng mangangailangan ng relief goods sa mga darating na araw kaya pinaghahandaan na rin nila ito.

“Right now, through our own people on the ground and upon coordination with various officials, we are trying to move as fast as we can to get food aid to hard-hit provinces,” wika ng business tycoon.

Nanalasa sa Kabikulan ang Bagyong Rolly at partikular na grabeng naapektuhan ang lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes kung saan ito unang nag-landfall.

Imahe mula sa Civil Defense PH

Maging ang ilang bayan sa Quezon at Batangas ay hindi rin nakaligtas kay ‘Rolly’. Mabuti na lamang at humina na ito at lumihis nang kaunti ang direksyon kaya hindi masyadong naramdaman ang bagsik ng hangin at ulan sa Metro Manila Lunes ng hapon.

Samantala, tiniyak naman ni Ang na mas marami pa silang ipadadalang tulong kapag naayos na ang mga daan papuntang Timog Luzon at Bikol.

Imahe mula sa Facebook- Gov. Bichara

”As we get a better hold of the situation in many areas — especially in terms of whether roads are already passable, and as to where aid can be brought—we will work to bring more food supplies to our affected kababayans through whatever means necessary,” ayon kay Ang.

“Our people are already moving, and we will continue to reach out to more officials and provinces to extend help. At this time of great need, every effort goes a long way for our countrymen,” dagdag pa nito.

Loading…