Scarlet Snow inihambing kay “Wonder Woman” ang inang Si Dra. Vicki Belo

  • Marami ang natuwa kay Scarlet Snow Belo
  • Nag-iwan siya ng sweet message para sa inang si Dra. Vicki Belo
  • Inihambing niya ang kaniyang Mommy kay Wonder Woman

Kinatuwaan ng mga netizens ang sweet message ni Scarlet Snow para sa kaniyang inang si Dra. Vicki Belo na inihambing pa siya kay “Wonder Woman.”

Makikita sa mismong Instagram at Facebook posts ni Scarlet ang kaniyang pagpupugay sa kaniyang Mommy. Tinuruan daw siya nito kung paano mamuhay sa mundong ito na may pagmamahal at malasakit sa kapwa.

Imahe mula sa Facebook/ Instagram accounts ni Scarlet Snow Belo

“I love being mentored by Mommy. She teaches me very important lessons on how ‘to live with honor and how to love with compassion’ (she always tells me this),” ayon kay Scarlet. Makikita sa IG post ang kanilang larawan ni Dra. Vicki Belo habang naka-costume ng Wonder Woman.

“We can change the world— and it starts by being true to ourselves first, then generously sharing the gifts God has given us with others, one person at a time. #MyMommyIsAHero #Wonderwoman1984”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens at tagahanga nila.

“Mapapaisip ka—kaya bang gawin ito ng isang maliit na bata. Pero anyway, ang sweet naman ni Scarlet! Nakakatuwa siyang bata kung gayon,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Scarlet Snow might be the next Miss Universe. Nakapa-articulate na bata. Suwerte ni Vicki and Hayden sa pagkakaroon ng very charming and intelligent little girl.”

“Scarlet, you are growing up so fast and beautiful! You are so adorable! You do have good parents who taught you of good values. You set a good example for other children and adults as well,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook/ Instagram accounts ni Scarlet Snow Belo

Si Scarlet Snow Belo ay anak nina celebrity doctor Vicki Belo at Hayden Kho. Inilarawan ni Belo na “sunshine of our lives” si Scarlet Snow nang ipakilala nila ito sa publiko noong 2016.

Loading…