Sec. Bello hinihikayat na mag-strike ang mga nurses sa mga malalaking pribadong pagamutan

Imahe mula sa CNNPH
  • Hinihikayat ni Labor Secretary Bello ang mga nurses sa private hospitals na mag-strike para sa mas mataas na buwanang sahod at maayos na working conditions
  • Ibinunyag ng kalihim na exploited ang bagong nurses sa private hospitals na pinagbabayad pa para magkaroon ng work experience
  • Ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang minimum wage at pagtaas ng sahod ng mga nurses sa private sector

Sa gitna ng napapaulat na eksploytasyon sa health industry, hinimok ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga nurse sa pribadong sektor, lalo na ang mga nagtatrabaho sa “5-star hospitals”,  na magsagawa ng strike.

Imahe mula sa DOLE

Sa isang radio interview, ipinahayag ng kalihim ang kanyang suporta sa panukalang itaas ang buwanang sahod ng mga nurses sa mga private hospitals sa lebel ng sahod ng nurses sa gobyerno.

Tinuligsa ni Sec. Bello ang mga malalaking pribadong pagamutan dahil sa ginagawa ng mga ito na paniningil ng training fee sa mga bagong nurses upang magkaroon umano ng work experience. Ang halagang sinisingil sa kanila ay mula P6,000 hanggang P18,000 kada buwan.

“That’s why I encourage nurses to go on strike para hindi maka-operate itong mga 5-star hospital. Ang lalaki ng hospital, ang lalaki ng kita nila pagkatapos ang nurses nila, may nagbabayad P6,000 a month, P10,000 a month… Sinasabihan ko ‘yung nurses go on strike. Raise the value of your profession,” anang kalihim.

Noong July, ang mga bagong nurse na naglilingkod sa gobyerno ay tinaasan ng suweldo mula sa dating P22,000 a month ay ginawa itong P32,000.

Imahe mula sa Ang Nars Partylist

Si Davao City Representative Paolo Duterte ang nagpanukala na magtakda ng minimum wage para sa mga nurses sa private sector at itaas ang suweldo nila sa lebel ng suweldo ng kanilang counterparts sa public hospitals.

Ayon kay Rep. Duterte, ang average monthly salary ng mga nurses sa private hospitals ay P9,757 lang.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…