Sec. Bello kakausapin ang mga nagprotestang Food Panda delivery riders

Screenshot mula sa ABS-CBN news video
  • Nagprotesta nitong Miyerkules ang grupo ng Food Panda delivery riders dahil sa mababang kita umano
  • Dahil dito, kakausapin daw ni Secretary Bello ang mga nagprotestang riders
  • Tiniyak naman ng Food Panda na tinitingnan na nila ang hinaing ng grupo

Kakausapin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang grupo ng mga food delivery riders na nagprotesta sa harap ng tanggapan ng ahensiya kamakailan.

Una nang napabalita na nagtipon-tipon ang ilang delivery riders ng Food Panda sa harap ng DOLE office sa Intramuros, Manila nitong Miyerkules upang ipahayag ang kanilang hinaing laban sa diumano’y unfair labor practices.

Sec. Bello| Imahe via DOLE Facebook

Sa ginanap na Senate deliberations para sa budget ng DOLE sa susunod na taon, sinabi ni Senador Joel Villanueva na tiniyak sa kaniya ni Bello na kakausapin ng kalihim ang mga nagprotestang delivery riders.

“They would want to sit down and ask for a dialogue and the Secretary behind me is committing himself that he would meet them soon,” bahagi ni Villanueva na siyang sponsor ng 2021 DOLE budget sa Senado.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Senador Richard Gordon ang DOLE tungkol sa hinaing ng Food Panda riders.

Imahe mula sa Integra Waterproofing

“Their payments, according to them, are based on an unfair grading system that is done by a computer. Whether they’re on time, whether they’re late. Whether they’re efficient,” ani Gordon.

Bukod dito, tinanong din ni Gordon kung may sapat na proteksiyon ang mga riders tulad ng SSS, PhilHealth, insurance, extra pay at iba pa.

Inamin naman ni Villanueva na bagama’t mayroon umanong SSS at PhilHealth ang mga ito, wala pa naman talagang specific guidelines para sa food delivery industry dahil bago pa lamang ito sa ekonomiya.

Samantala, kaugnay nito, tiniyak naman ng Food Panda na ipinaalam na nila ang bagong payment structures sa mga freelance delivery riders bago pa man ang implementasyon nito noong Hunyo.

Screenshot mula sa ABS-CBN news video

Nagrereklamo kasi ang grupong nagprotesta sa Intramuros dahil sa diumano’y mababang bayad sa kanila dahil sa ipinaiiral na ‘unfair grading system’ ng sikat na delivery app.

Gayun pa man, ipinatutupad na raw ang bagong payment scheme paunti-unti sa loob ng nakaraang limang buwan, ayon sa Food Panda. Titingnan din umano nila ang hinaing ng mga nagprotesta sa Intramuros.

“With the new scheme, riders are now compensated based on delivery distance; making the payment structure more organized and fair,” paniniyak ng kumpanya.

Loading…