Sec. Carlito Galvez, itinalagang COVID-19 vaccine czar

Imahe mula sa PCOO
  • Hinirang ni Pang. Duterte si Sec. Carlito Galvez bilang COVID-19 vaccine czar
  • Si Sec. Galvez ang sole authorized person para sa pakikipagnegosasyon sa pagbili ng bakuna
  • Ayaw ng Pangulo na bumili ng COVID-19 vaccine mula sa mga pribadong pharmaceutical companies
  • Ang nais ng Pangulo ay government-to-government agreement sa COVID-19 vaccine upang maiwasan ang korapsyon

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Secretary Carlito “Charlie” Galvez, ang chief implementer ng national policy against coronavirus, bilang COVID-19 vaccine czar na siyang titiyak para magkaroon ng access sa naturang bakuna ang Pilipinas kapag available na ito.

Screenshot mula sa PTV video

Sa Cabinet meeting noong Lunes, November 2, sinabi ng Pangulo na gusto niya na isang tao lang ang mamamahala sa pagbili ng bakuna. Taliwas ito sa panukala ng ilang cabinet members na magtatag ng isang “super body” para rito.

Pagbili ng bakuna, the negotiation, manufacture, production, or distribution, binigay ko ‘yan kay Secretary Galvez. So, only Secretary Galvez is authorized to negotiate or whatever. Isa lang,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag niya magiging matagal ang proseso sa procurement ng vaccine kung bubuo pa ng isang committee.

“Ayaw ko ‘yang committee-committee. Matagal ‘yan.  I have great faith in Charlie to really come up with the solutions for the problem,” aniya.

Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paghirang kay Sec. Galvez bilang COVID-19 vaccine czar. Aniya, noong nakaraang buwan pa ito ginawa ng Pangulo.

’Yung natalagang vaccine czar is hesitant when I asked him if I could remind the public that he has been designated vaccine czar kasi baka hindi na raw po naalala ni Presidente, so he would like to wait for the President to make the announcement anew,” sabi ni Roque.

Screenshot mula sa PTV video

Nauna nang sinabi ng Pangulo na ayaw niyang bumili ng vaccine mula sa mga pribadong pharmaceutical companies dahil mas gusto niya ang government-to-government agreement upang maiwasan ang korapsyon.

Source :

PNA, CNN PH

Loading…