Sen. Tito Sotto, ibinulgar na nauna nang nagpaturok ng COVID-19 vaccine si Sen. Ping Lacson

Imahe mula kay Sen. Ping Lacson
  • Naibulgar ni Sen. Tito Sotto na nauna nang nagpaturok ng COVID-19 vaccine si Sen. Ping Lacson
  • Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Sotto na si Sen. Lacson pa lang ang nag-iisang senador na nagpaturok ng COVID-19 vaccine
  • Sinabi rin ni Sotto na maging si Rep. Martin Romualdez ay nakapagpaturok na rin ng COVID-19 vaccine

Nadulas nga lang kaya ang dila ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nang ikuwento niya sa isang panayam na nauna nang nabakunahan ng COVID-19 vaccine si Senator Panfilo “Ping” Lacson at House of Representatives Majority Leader na si Martin Romualdez?

Imahe mula sa CNBC

Sa isang panayam, tinanong si Sen. Sotto kung agad ba siyang magpapabakuna kapag mayroon nang COVID-19 vaccine dito sa bansa. Pero sa halip na direktang sagutin ang tanong, ibinida niya na sina Sen. Lacson at Rep. Romualdez ay malalakas ang loob na nagpabakuna.

“Meron ngang ganun, eh. Si Senator Lacson ang tapang, immunized na ‘yun. Nagpa-injection na ‘yun…Oo nauna na ‘yun, matapang ‘yun. Tsaka si Martin Romualdez,” lahad ni Sen. Sotto sa panayam sa kanya noong Sabado, November 21.

“’Yun ang ‘di ko alam pero parang pareho yata sa Pfizer,” sagot ng senador nang tanungin kung saang pharmaceutical firm ang COVID-19 vaccine na itinurok kina Lacson at Romualdez.

Kuwento pa ni Sen. Sotto, wala raw side effects ang bakuna kay Sen. Lacson na nagsabi pa umano na pakiramdam niya ay parang 30 years old siya.

“’I feel like a 30-years old,’ sabi niya, tapos bihira na nga mag-mask. Dati nakita mo ‘yun naka-mask, naka face shield, di ba? Ngayon pag nakaupo lang doon, wala nang maskm” sabi pa ni Sen. Sotto.

Imahe mula sa Senate PRIB

Sumagot ng “oo” si Sen. Sotto nang muli siyang tanungin kung si Sen. Lacson pa lang ba ang nagpabakuna kontra COVID-19.

“Oo, pero nakakahiya kay Ping, baka hindi ko dapat kinuwento sa inyo. Siya na lang ang tanungin ninyo,” sabi niya.

Sa hiwalay na panayam, kinumpirma ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang mga tinuran ni Sen. Sotto.

“Kasama yata siya sa mga experimental trials dito sa Pilipinas. Matapang po si Senator Lacson. Eh, alam mo naman ‘pag ‘yung bakuna delikado. Mukhang matapang at sinubukan niya,” ani Sen. Zubiri.

Imahe mula sa Senate PRIB

 

Loading…