Sen. Villanueva ipinasisilip sa DOLE ang safety protocols sa Skyway extension kasunod ng aksidente

Imahe mula sa Senate of the Philippines
  • Aksidente sa ginagawang Skyway extension project, pinasisilip ni Sen. Villanueva sa DOLE
  • Nais alamin ng senador ang mga safety protocols na ipinatutupad sa construction site ng proyekto
  • Dapat daw na mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa mga construction sites dahil isa ito sa mga pinakapeligrosong workplace

Hiniling ni Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magpadala ito ng mga labor inspectors sa Muntinlupa City upang silipin ang safety protocols sa construction site ng Skyway extension project kung saan isang malaking steel girder ang bumagsak sa mga nagdaraang sasakyan.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Joel Villanueva

Sinabi ng senador na umaasa siya na matutukoy ng mga labor inspectors ang mga lapses sa workplace safety protocols na maaaring nakapag-ambag sa nangyaring aksidente kung saan apat ang nasaktan at isa ang hindi nakaligtas.

Ani Sen. Villanueva, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng safety protocols lalo na sa mga construction sites na isa sa mga pinakapeligrosong workplace.

“Isa po sa peligrosong lugar-paggawa ang mga construction site, kaya po mahigpit ang pagpapatupad ng mga safety measures upang siguraduhin na walang aksidente na mangyayari at bawasan ang mga risk factors dahil ito ay maaaring maging mapaminsala,” pahayag ng senador.

“Ang mga manggagawa po natin ang unang napapahamak tuwing may aksidente sa lugar-paggawa kaya mahigpit po ang pagpapatupad natin ng occupational safety and health standards. Ang agarang imbestigasyon ng ating labor inspectors ay kinakailangan po upang matukoy ang sanhi at makapagbigay ng solusyon sa problema para siguraduhin hindi na mauulit ito,” dagdag pa nito.

Imahe mula a MCDDRM

Dapat umanong agad makipag-ugnayan sa DOLE at makipagtulungan sa gagawing pag-iinspeksyon ang mga construction managers ng proyekto.

Sa ilalim ng Occupational Safety and Heaelth Standards Law, na si Sen. Villanueva ang principal author at sponsor, ang DOLE ay may kapangyarihang magsagawa ng inspection sa mga workplaces upang silipin ang ipinatutupad na occupational safety and health practices. Ang kumpanyang lumalabag sa batas ay pinapatawan ng P100,000 na multa kada araw habang hindi pa naaaksyunan ang paglabag.

Imahe mula a MCDDRM

Loading…