Senadora Imee dismayadong bukas na ang sabungan ngunit sarado pa rin ang mga paaralan

Imahe mula sa Sport Betting
  • Imee Marcos dismayado na bukas na ang sabungan samantalang nananatiling sarado pa ring ang mga paaralan
  • Mas mahalaga pa raw ba ang sabong kaysa edukasyon?
  • Iginiit niya na napatunayan na ang mga paaralan ay hindi super spreader ng COVID-19
  • Sabi ng senadora, ang paaralan na sumusunod sa mga health protocols ang pinakaligtas na lugar para sa mga bata kapag may pandemya

Nagpahayag si Senator Imee Marcos ng kanyang pagkadismaya na ang mga sabungan ay pinayagan nang makapagbukas dalawang linggo na ang nakalilipas, subalit ang mga paaralan ay nananatili pa ring nakapinid.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Aniya, nadismaya siya na tila mas mahalaga pa para sa mga Pilipino ang sabong kaysa sa edukasyon.

“Talagang nadismaya ako na mas mahalaga pa pala ang sabong sa Pilipino kaysa sa edukasyon. Dalawang linggo na ang nakalipas, binuksan na ang sabungan, pero ang eskwela, sarado pa rin. Hindi naman yata tama,” wika ng senadora.

Sabi pa ni Sen., Marcos, dapat nating bigyan ng kahalagahan ang edukasyon, lalo na’t hindi naman super spreader ng coronavirus ang mga paaralan.

“So, I think its more important na bigyan naman natin ng kahalagahan ang ating edukasyon. Alam naman natin na hindi super spreader ang mga eskwelahan,” aniya.

Hindi umano tama na isara ang mga paaralan na mahigpit na sumusunod  sa mga health protocols. Naniniwala rin ang senadora na ang mga eskwelahan ang pinakaligtas na lugar para sa mga bata  ngayong may pandemya.

Screenshot mula sa UNTV video

“I have been very vocal in urging, from the very beginning, that schools, compliant with high level health protocols, should remain open at all costs. We are now the penultimate country in the world to keep our schools shuttered- despite consistent evidence that face-to-face classes are not super spreaders! Educators can work safely in schools and schools can be the safest place to be for children in a pandemic,’’ giit niya.

Nanawagan siya sa Department of Education na isulong ang pagkakaroon muli ng physical classes dahil grabe na raw ang hindi magandang epekto ng distance learning hindi lang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang nila na nagsu-supervise sa kanilang pag-aaral.

Screenshot mula sa UNTV video
Source :

Inquirer, YouTube

Loading…