Shih tzu na kinuhanan ng larawang bilang proof of delivery, kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | Jack and the Balbons at Emman
  • Natuwa ang netizens sa isang aso na nagpakuha ng larawan bilang proof of delivery
  • Kuwento ng kaniyang fur mom, mahilig talagang sumama sa kaniyang ang aso tuwing tatanggap ng parcel
  • Nagbahagi rin ang netizens ng mga larawan ng kanilang alaga na excited sa kanilang parcel

Kinaaliwan ng netizens ang larawan ng isang shih tzu na nagpakuha ng larawan sa isang delivery rider bilang proof of delivery.

Ibinahagi ng Facebook page na Jack and the Balbons ang larawang ito ng doggo na si Zeus kalakip ang caption na “Natanggap ko na po. Salamat, Shopee.” Ikinatuwa naman ng netizens ang larawang ito. Sa katunayan, habang isinusulat ito ay umabot na sa 38k reactions at 6.2k shares ang post.

Imahe mula sa Facebook | Jack and the Balbons

Kuwento ng fur mom sa likod na post na si Karmi Castillo sa isang panayam sa GMA News, mahilig talagang sumama sa kaniya ang asong si Zeus tuwing tatanggap siya ng delivery.

“Madalas talaga sa anim kong dogs, si Zeus ang sumasama sa akin sa ibaba kapag tatanggap ako ng deliveries. Siya rin po kasi ang pinaka-behave sa lahat kapag may ibang tao. Hindi siya tumatahol pero hindi rin siya lalapit sa rider,” sabi ni Karmi sa GMA News.

Bukod kay Zeus ay may alaga rin siyang isang dachshund at apat pang shih tzu.

Hilig daw talaga ni Zeus na sumama sa pagkuha ng mga delivery dahil iniisip niyang ang mga ito ay regalo para sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook | Jack and the Balbons

“Basta gusto niya lang parang may kasama ako kapag kumuha ng parcel kasi akala niya kapag nakabalot ay gift po sa kaniya. Madalas ko kasi siyang binibulhan ng laruan sa mall at ipababalot ko dahil marinong siyang magbukas ng gift,” dagdag ni Karmi sa parehong panayam.

Sa comment section ay nagpasalamat din ang doggo sa delivery rider dahil sa pagsakay nito sa “kalokohan” ng kaniyang Mama.

Ang mga netizen, nagbahagi rin ng larawan ng kanilang fur babies na excited fin sa kanilang parcel. “Buti pa ‘yong order mo, pareng Zeus dumating na. ‘Yong sa akin kaya, kailan? Wait ko pa rin dito sa bintana,” komento ng netizen na si G. Gregorio kalakip ang larawan ng kaniyang doggo na si Milo.

Source :

GMA News

Loading…