‘Sidequel’ ng Netflix hit na ‘Kingdom’ kumpirmadong ipalalabas na sa susunod na taon

Imahe mula sa Torre e Vigilancia
  • Ipalalabas na sa Netflix sa susunod na taon ang sidequel ng ‘Kingdom’
  • Ang ‘Kingdom: Ashin of the North’ ay tatalakay sa kuwento ng misteryosong babae na si Ashin
  • Pagbibidahin din ito nit Park Byung Eun na gumanap bilang Min Chi Rok sa unang dalawang season ng ‘Kingdom’

Kinumpirma ng Netflix na nasa production na ngayon ang itinuturing na ‘sidequel’ ng sikat na Korean zombie series na ‘Kingdom’ at ipalalabas ito sa susunod na taon.

Nitong Nobyembre 2, inanunsiyo ng Netflix na ginagawa na ang ‘Kingdom: Ashin of the North’ na pagbibidahan nina Jun Ji Hyun at Park Byung Eun.

Jun Ji Hyun bilang Ashin| Screenshot mula sa You Tube

Si Jun Ji Hyun ang misteryosong babae na lumitaw sa pinakahuling episode ng ‘Kingdom: Season 2’ habang si Park Byung Eun ang gumanap bilang Min Chi Rok, ang pinuno ng Royal Commandery sa dalawang naunang season.

Tatalakayin ng ‘Kingdom: Ashin of the North’ ang kuwento ng nakaraan at tunay na pagkatao ni Ashin (Jun Ji Hyun) habang naglalakbay papuntang North ang mga tauhan.

Magugunitang sa huling episode ng Season 2, naglakbay papuntang Norte si Lee Chang (Ju Ji Hoon) kasama ang kaniyang crew upang tuklasin ang lihim ng halamang “Saengsacho”.

Park Byung Eun bilang Min Chi Rok| Screenshot mula sa You Tube

Tatalakayin dito ang magiging kaugnayan ni Ashin kay Min Chi Rok na magsisilbing backstory ng orihinal na dalawang season.

Ang special episode na ito ay muling ididirehe ni Kim Seong Hun, ang direktor ng “Kingdom” Season 1 at nangasiwa sa production ng Season 2. Muli silang magtatambal ni Kim Eun Hee na siya ring nagsulat ng naunang dalawang season.

Ang ‘Kingdom: Ashin of the North’ ay pagtutulungang i-produce ng Baram Pictures, BA Entertainment, at Studio Dragon.

Panooring ang teaser ng bagong aabangang season ng ‘Kingdom’:

Loading…