Sierra Madre mountain range dapat pangalagaan para maiwasan ang mga pagbaha

Imahe mula kay Richard S. Marcelo/CC By-SA 4.0
  • Kailangang protektahan ang Sierra Madre mountain range upang maiwasan ang mga pagbaha
  • Iminungkahi ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang pagtatatag ng isang ahensya na mangangalaga sa Sierra Madre
  • Noong nakaraang taon ay isinumite ni Rep. Nograles ang House Bill No. 5634 na naglalayong itatag ang Sierra Madre Development Authority

Bunsod ng sunud-sunod na bagyong naranasan ng bansa kamakailan lang na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, iminungkahi ng isang mambabatas ang pangangalaga sa Sierra Madre mountain range upang hindi na maulit o mabawasan man lang ang mga nagaganap na pagbaha sa tuwing may malakas na unos.

Imahe mula sa Pilipino Mirror

Muling nanawagan si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na sana ay magtatag ng isang ahensya na siyang mangangangalaga sa bundok ng Sierra Madre na may habang 500 kilometro upang mabigyan ng proteksyon ang forest cover nito.

Dahil sa nangyaring pagbaha sa Metro Manila at sa mga bayan sa Cagayan Valley ay naging napakahalaga ng pagsasagawa ng kongkretong mga hakbangin upang mapangalagaan ang pinakamahabang bundok ng Pilipinas.

“Malaki talaga ang impact nito. The increased frequency and severity of flooding in areas close to the Marikina River, as well as in towns in the Cagayan Valley are attributed to the loss of Sierra Madre’s forest cover––and we can no longer ignore this,” wika ni Rep. Nograles.

“There is clearly a need to provide this vital mountain range with further safeguards and protection while finding ways to responsibly develop part of the range not under its Protected Areas,” dagdag pa ng mambabatas.

Imahe mula sa IkotPH

Magugunitang noong nakaraang taon ay isinumite niya ang panukalang batas – ang House Billl Number 5634 – na naglalayong maitatag ang Sierra Madre Development Authority (SMDA).

Aniya, dahil malawak ang nasasakop ng Sierra Madre ay kinakailangan ang koordinasyon ng iba’t ibang local government sa paligid nito at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Sisiguruhin ng SMDA ang koordinasyon at kooperasyon ng mga nabanggit na magreresulta sa magkakaugnay at komprehensibong istratehiya na popretekta sa forest cover ng Sierra Madre.

Imahe mula sa Facebook page ng City of Seven Lakes – San Pablo, Laguna

Loading…