Sinas inaming may ‘mixed feelings’ matapos ‘patawarin’ ng Pangulo: “Natuwa ako pero at the same time nahihiya”

Imahe mula sa PNP Facebook/RTVM
  • Nagpasalamat si PNP chief Debold Sinas matapos ipagtanggol ni Pangulong Duterte
  • Natuwa umano siya sa sinabi ni Duterte subalit nahihiya rin at the same time
  • Nilinaw naman ng DOJ na maaari lamang magkaloob ng executive clemency kapag nahatulan na ang isang tao

Pinasalamatan ni PNP chief Police General Debold Sinas si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsuporta nito sa kaniya at sa ginawang pagtanggol ng huli laban sa isyu ng mañanita na umani ng batikos sa publiko.

Magugunitang kamakailan ay dinipensahan ng Pangulo si Sinas at sinabing wala siyang nakitang kasalanan na may ‘moral implications’ sa naganap na birthday surprise para sa dating NCRPO chief noong Mayo.

Imahe mula sa NCRPO

Wika pa ng presidente, kung mayroon man ay ‘pardon’ na ito para sa kaniya.

BASAHIN: Pangulong Duterte ‘pinatawad’ si PNP Chief Sinas sa isyu ng mañanita

Sa kaniyang maikling mensahe matapos ang flag ceremony sa Camp Crame nitong Lunes, inamin ni Sinas na mayroon syang ‘mixed feelings’ dahil sa naging pahayag na ito ng Pangulo.

“I’d like to thank the President for the trust and confidence. Ako po ay parang nahihiya na ko kay President lalong [dinepensahan] na naman po niya ulit ako tungkol po doon sa mañanita, ilang araw pa lang na ganon,” wika ni Sinas.

Screenshot mula sa PNP video

“I have mixed feelings. Natuwa ako pero at the same time nahihiya. I’m very happy for the support of the President for me as his chief PNP,” ayon pa sa PNP chief.

Samantala, nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na maaari lamang magkaloob ng executive clemency ang presidente oras na mapatunayang nagkasala ang isang tao.

Kailangan daw na makumpleto muna ang proseso ng preliminary investigation sa office of the prosecutor at doon lang malalaman kung guilty o hindi ang isang sinampahan ng reklamo.

“Executive clemency may come only after a finding of guilt. If there’s no finding of guilt, there’s no room for the application of executive clemency,” paglilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon pa sa kalihim, hindi niya narinig ang aktuwal na sinabi ng Pangulo at bagama’t nagpahayag umano ang huli ng kahandaang patawarin ang PNP chief, gagawin pa rin ng DOJ ang kanilang trabaho at bahala na ang Palasyong gawin ang sa tingin nila ay nararapat nang naaayon sa Konstitusyon.

Loading…