SMC gagawa ng bike lanes gamit ang recycled plastics

Imahe mula sa PNA
  • SMC gagawa ng bike lanes gamit ang materyales na gawa sa plastic wastes
  • Nakikipag-ugnayan na ang kumpanya sa mga LGUs na handang maglagay ng bike lanes sa kanilang komunidad
  • Noong nakaraang taon ay nakagawa ang SMC ng kauna-unahang plastic road sa bansa na ginagamit ngayon sa kanilang logistics facitlity

Halos isang taon na nag nakalilipas makaraang makagawa ang San Miguel Corporation (SMC) ng kauna-unahang aspaltadong kalsada sa bansa na gawa sa mga recycled plastic, at sinisilip ngayon ng kumpanya na gumawa ng mga bike lanes gamit ang environmentally- friendly material.

 

Imahe mula kay Ramon S. Ang

“It’s been a year since we built our recycled plastics road prototype—the first in the country. We are now working on getting it ready for public use, initially, for sustainably-built bike lanes,” Facebook post ni Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer ng SMC.

Aniya, nakikipagtulungan ang SMC sa mga technology partners at mga local government units na handang maglagay ng bike lanes para sa mga siklista, na ang bilang ay patuloy na tumataas dahil sa restriksyon sa public transportation sanhi ng COVID-19 pandemic.

Ang plastic road prototype ay nasa logistics facility ng SMC na araw-araw dinaraanan ng malalaking truck na may mabibigat na kargada.

“It’s in our logistics facility — used heavily every day by large vehicles with heavy loads. Very soon, I think we can graduate it for light public use, specifically, for bicycle lanes,” anang SMC exec.

Imahe mula sa SMC

Umaasa ang SMC na mapalawig pa ang paggagamitan ng kanilang plastic road technology tulad ng mga public roads. Pero nasa early stages ng development pa lang daw ang teknolohiya at kailangan pa ng tuluy-tuloy na testing para malaman kung gaano iyon tatagal.

Kailan lang, inilunsad ng SMC ang isang programa upang tulungan ang kanilang mga empleyado na magkaroon ng sariling bisikleta na magagamit sa pagpasok sa trabaho.

Imahe mula kay Ramon S. Ang

Loading…