SMC humingi ng paumanhin dahil sa nangyaring trahedya sa Skyway; tulong tiniyak na makararating

Imahe mula sa Facebook/ DumagueteNews
  • Humingi ng paumanhin ang SMC dahil sa nangyaring aksidente sa Skyway noong Sabado
  • Nangako rin ang kumpanya na tutulungan nila ang mga naapektuhan
  • Makikipagtulungan din umano sila sa mga awtoridad sa ginagawang imbestigasyon

Humingi ng paumanhin ang San Miguel Corporation (SMC) dahil sa nangyaring trahedya sa Skyway extension project sa Sucat, Muntinlupa nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 21.

Sa isang pahayag nitong Linggo, nag-sorry sa mga bikitma si SMC President at CEO Ramon S. Ang at nangako itong tutulungan ang mga naapektuhan  ng insidente.

Imahe mula sa Facebook/ Yuson Jan

“Even with a contractor handling construction, ultimately, we are responsible for the welfare of those who were affected. I would like to personally apologize to the victims and their families, as well as to our larger community in Muntinlupa,” ani Ang.

Tiniyak din ni Ang na makararating ang tulong ng SMC upang maibsan ang pagdadalamhati ng pamilya ng isang motorista na hindi pinalad na makaligtas sa trahedya.

“To the family, I can only offer my sincerest and deepest condolences, and my personal assurance that your family will be taken care of. To those who were injured, please be assured we will provide all the means necessary for you to recover and restart,” wika pa ng business tycoon.

Imahe mula sa Facebook-SMC

Magugunitang bumagsak ang steel girder ng ginagawang Skyway sa Sucat dakong alas-8:50 nang umaga noong Sabado. Apat ang napaulat na nasugatan habang isa naman ang hindi nakaligtas sa aksidente.

Bukod dito, anim na sasakyan din ang nagtamo ng pinsala kabilang na ang dalawang motorsiklo.

Nagdulot ng mabigat na trapiko sa lugar ang insidente at nitong Linggo lamang ng umaga muling nabuksan ang lugar. Bukod dito, madedelay rin umano ng halos dalawang buwan ang P10-B proyekto ng SMC na nakatakda na sanang makumpleto nitong Disyembre.

Imahe mula sa Facebook/ SquamTV

Kaugnay nito, nangako rin ang SMC na makikipagtulungan sa ginagawang pagsisyasat ng mga awtoridad upang malaman kung sino ang may pagkukulang at pananagutan sa nabanggit na pangyayari.

“Regardless, we are working with authorities to determine the root cause of this incident. We will find out where lapses occurred and do whatever is necessary to help make sure they don’t happen again,” pagtitiyak pa ni Ang.

Loading…