SoKor Dad na-shock matapos gastusin ng anak ang 130-M Won na family savings sa ‘live-streaming’ in-app purchase

For Illustrative purposes only| Imahe mula sa Cumbria Computer Repairs
  • Hindi makapaniwala ang isang tatay sa South Korea matapos mawala ang kanilang P5.6-M na family savings
  • Ginastos pala ito ng kanilang anak sa ‘in-app purchase’ ng isang live streaming app
  • Bagama’t mababawi nila ang malaking bahagi ng pera, medyo malaki pa rin ang hindi na maibabalik

Hindi makapaniwala ang isang tatay sa South Korea matapos madiskubreng nawala ang 130-milyon Won (halos P5.6-M) sa kanilang family savings sa bangko at malamang ginastos ito ng kanilang 11-anyos na anak na babae.

Lalo pang nadismaya ang ama dahil nalaman niyang ginamit ng bata ang pera para sa in-app purchase ng live-steaming app na Hakuna Live.

Imahe mula sa APK Support

Ang Hakuna Live ay naghihikayat sa mga fans at viewers nito na magbigay ng regalo (gifts) para sa kanilang paboritong stars sa pamamagitan ng pagbili ng tinatawag na ‘diamonds’ gamit ang smartphones.

Ginawa ito ng bata sa pagitan ng Agosto 3 at Agosto 12, ayon sa ulat.

Kuwento ng ama, ginamit ng kanilang anak ang cellphone ng nanay nito para bumili ng ‘diamonds’ sa Hakuna Live.

“My wife always leaves her phone unlocked since she is visually impaired and suffers from brain damage,” pagbabahagi ng tatay na nagngangalang Kim.

Sinubukan niyang kausapin ang 35 live streamers upang mabawi ang pera at ilan sa kanila ay pumayag naman na mag-reimburse. Subalit umabot pa rin umano sa 46-M Won (P1.97-M) ang hindi na mababawi.

Imahe mula sa ParentMap

Ayon sa The Koea Times, may kaparehong insidente rin na nangyari nitong linggo lamang kung saan isang 12 anyos na estudayante sa Boryeong, South Chungcheong province ang gumastos ng 17-M Won (P730K) sa online transactions ng mga live streamers gamit ang credit card ng kaniyang ama.

Dalawa lang umano ito sa mahigit isang libo ng kaparehong kaso na sangkot ang mga menor de edad na naiulat sa bansa mula Enero hanggag Setyembre sa gitna ng pandemya kung kailan karamihan ng miyembro ng pamilya ay nasa loob lamang ng kanilang bahay.

Nawa ay magsilbi itong aral sa mga magulang na laging patnubayan ang kanilang mga anak sa kanilang online activities at huwag hayaan na basta na lamang gamitin ang kanilang cellphone nang walang pahintulot o pagbabantay upang makaiwas sa hindi magagandang insidente tulad nito.

Loading…