Solon nais na ipagpaliban muna ang implementasyon ng RFID system hanggang Enero 2021

Screenshot mula sa Youtube
  • Nais ng isang mambabatas na ipagpaliban muna ang implementasyon ng RFID hanggang Enero
  • Ito ay dahil sa pangamba sa pagdagsa ng mga sasakyan sa kalsada sa darating na Christmas season
  • Nanawagan din ang kongresista na kaagad ipatupad ang inter-operability’ ng dalawang RFID system

Dahil sa pangamba sa pagdagsa ng mga sasakyan sa kalsada sa darating na Kapaskuhan, nais ng isang mambabatas na ipatigil muna ang implementasyon ng RFID system hanggang sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Vice Chairman at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, maaari itong magdulot ng ‘masssive buildup’ ng mga sasakyan sa toll exits dahil marami pa rin ang hindi nakakabitan ng RFID.

Imahe mula sa Facebook – Rep. Castleo

“This can cause massive buildup of traffic in toll plazas and roads leading to the expressways if the Dec. 1 deadline is not reset, considering that many vehicle owners still have to get their RFIDs installed,” ani Hipolito-Castelo.

Dalawang beses nang inuurong ng Transportation department ang deadline para sa pagpapakabit ng RFID stickers at ang pinakahuling deadline na itinakda ay sa Disyembre 1. Sa kabila nito, marami pa ring motorista ang umaangal dahil sa hirap makahanap ng lokasyon na maaaring magpakabit ng stickers.

“It is therefore suggested that the House of Representatives express its collective sense for the further extension of the deadline to at least Jan. 1 next year,” wika ng mambabatas.

Imahe mula sa Metro News Central

Nilinaw ng kongresista na suportado niya ang bagong sistema sa tollways dahil isa itong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus subalit sadyang kapos pa rin sa oras ang daan-libong motorista para mag-comply sa RFID requirements.

Nanawagan din ang mambabatas sa mga toll operators na San Miguel Corp. (SMC) at NLEX Corp. na kaagad ipatupad ang ‘interoperability’ ng dalawang RFID systems (Autosweep at EasyTrip) sa lalong madaling panahon para gawing simple at hindi na mahirapan ang mga motoristang kapwa gumagamit ng dalawang RFID.

Loading…