Souper Woman, iba pa nagkaisa para matulungan ang mga residente ng Marikina City

Image by Gadget Addict via Facebook
  • Souper Woman at iba pa, namigay ng tulong sa mga residente ng Marikina City
  • Pinakain nila ang mga evacuees ng goto at tinapay
  • Mapapansin naman ang disiplina at kalinisan sa evacuation center

Hindi nawawala sa ating mga Pilipino ang kultura ng pagbabayanihan at palaging mayroong nakahandang tumulong para iangat ang kapwa. Katulad na lamang ng isang netizen na binabansagan ngayong “Souper Woman” dahil sa ginawang pagtulong sa mga taga-Marikina City na labis na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Image by Gadget Addict via Facebook

Pagbabahagi ng administrator ng Facebook page na Gadget Addict, nakatuwang umano niya si Souper Woman sa pagdadala ng relief goods sa Nagka Elementary School kung saan kasalukuyang nanunuluyan pansamantala ang mga evacuees.

Saad ng admin, “I was happy to see [that] there are so many volunteers inside, helping to keep things organized, unload relief goods and bringing their own donations from various sources.”

Nagbahagi rin ang Gadget Addict page ng video na kuha sa naganap na relief efforts kung saan makikita ang mga volunteers na nagbababa ng damit, bigas at iba pa; maging ang mga residente na pumipila para sa pagkain na nakalagay sa styro cup at mayroon ding tinapay at mineral water.

Anang isang babae na nasa video na nagse-serve ng pagkain, “It’s goto. It’s kind of a rice, a soup. It has a chicken and beef.” Nasabi ng FB page na ang dalawang babaeng nagse-serve ay miyembro ng Philippine Army.

Image by Gadget Addict via Facebook

Maliban dito ay makikita sa video na nasusunod ang pila at physical distancing sa mga residente. Bahagi pa ng caption dito, “Marikina [is] living up to its reputation with one of the most organized and cleanest evacuation centers I’ve ever seen.”

Humakot naman ng papuri ang ginawang efforts. Komento ng isa, “Great efforts, mga Pinoy, like the good old days, bayanihan helping one another in need!”

Pahayag ng isa pa, “Salute to all my fellow brothers who are helping typhoon victims. God bless.”

Panoorin ang nakaka-good vibes na video sa ibaba:

Source :

Facebook

Loading…