StaySafePH app, obligado nang gamitin sa mga LGUs, national agencies

Imahe mula sa PNA
  • Required na sa lahat ng LGUs at national agencies ang paggamit ng StaySafePH bilang ang napiling contact-tracing application ng gobyerno
  • Ang lahat ng establisimyentong may sariling contact tracing app ay sinabihan na i-integrate sa StaySafePH system ang kanilang systems
  • Ang lahat ng mga datos na makokolekta ng StaySafePH app ay mapupunta sa isang centralized hub na nasa ilalim ng kontrol ng DOH

Inobliga na ng COVID-19 task force ang mga local government units (LGUs) at lahat ng national agencies na gamitin ang StaySafePH application upang mapagsama-sama ang lahat ng mga nakokolektang contact tracing data.

Imahe mula sa Multisys Technologies Corporation

Ang StaySafePH ang napiling contact-tracing application ng gobyerno.

Sinabi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na ang lahat ng mga datos na makokolekta sa pamamagitan ng mga digital applications ay ipadadala sa isang centralized hub – ang COVID-Kaya na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Health.

Sa Resolution No. 85 nito, sinabi ng IATF na isusulong din nito sa pribadong establisimyento ang paggamit ng StaySafePH. Ang lahat ng mga establisimyento na gumagamit na ng sariling contact-tracing applications ay sinabihan na isama ang kanilang systems sa StaySafePH system.

StaySafe.ph shall be the government’s digital contact tracing application of choice and shall be made mandatory for adoption and use in all national government agencies and instrumentalities, and local government units, and promoted for use in all other private establishments, facilities/offices,” saad ng IATF resolution na inilabas noong Biyernes, ika-27 ng Nobyembre.

Imahe mula sa DILG Bulacan

May dalawang paraan upang magamit ang StaySafePH. Una, sa pamamagitanng app na kailangang i-download at ang ikalawa ay ang webpage nito na mararating sa pamamagitan ng pag-scan sa isang QR code.

Hindi malinaw kung paano makakapasok sa mga tanggapan ng LGU at ahensya ng gobyerno ang mga mamamayang walang smartphone. Kailangan ng smartphone upang ma-download ang app o ma-scan ang QR code.

Bukod sa mandatory use ng StaySafePH app, itinatag din ng IATF ang Data Resiliency for Ease Access and Management (DREAM) Team upang makadagdag sa mga tauhan at magbigay ng suporta sa COVID-19 information and communications technology (ICT) ecosystem ng bansa.

Imahe mula sa StaySafePH

Ang mga miyembro nito ay mula sa Department of Information and Communications Technology (chair), Department of Health, Department of Science and Technology, Philippine National Police-Directorate for Information and Communication Technology, at Armed Forces of the Philippines-Information Systems Management Division.

Source :

Inquirer, DILG

Loading…