Super cute na larawan ng mag-amang Daniel Miranda at Baby Zoe, kinagigiliwan online

Image by Sofia Andres via Instagram
  • Netizens, giliw na giliw sa sobrang cute na larawan ng mag-amang Daniel Miranda at Baby Zoe
  • Sabi ng isang netizen, “Beautiful family. Zoe is a li’l version of her father, so cute”
  • Si Daniel ay apo ng kilalang diplomat, businessman at philantrophist na si Philippe Lhuillier

Giliw na giliw ang maraming netizens sa kakyutan ng mag-amang Daniel Miranda at Baby Zoe sa larawan na ipinost siyempre ng proud mom na si Kapamilya actress Sofia Andres. Sa larawan ay tila may pinapanood ang mag-ama at pokus na pokus ang atensyon ng mga ito.

Komento ng isang netizen, “Beautiful family. Zoe is a li’l version of her father, so cute.”

Saad naman ng isa, “Huhu. They are so cuuutttee.”

Image by Sofia Andres via Instagram

May nagsabi naman ng, “So beautiful, copy paste talaga… and super ganda pa ng mommy @iamsofiaandres perfect family.” Wika ng isa pa, “Gandang bata, mana kay daddy.”

Habang ibinabahagi ito ay umabot na sa higit 350,000 ang reaction sa post ni Sofia at punung-puno ng positibong reaksyon sa mga tagahanga.

Hunyo ngayong taon nang isapubliko ng aktres ang pagkakaroon nito ng anak sa racer na si Daniel.

Isinilang niya si Baby Zoe noong November 24, 2019, habang siya ay nakabakasyon mula showbiz sa Sydney, Australia.

Mababakas naman sa mga social media post ang pagmamahal ng racer sa aktres. “I’m so proud of you, love, such a strong and beautiful girl. I’ll be here for you and Zoe always.”

Hindi rin naman umano sila nagmamadali para magpakasal yamang kailangan pang ipagpatuloy ni Daniel ang kanyang pag-aaral at ang showbiz career naman para kay Sofia.

Image by Daniel Miranda via Instagram

Si Sofia kasi ay artista ng ABS-CBN at naitampok na sa maraming serye kagaya ng Princess and I, Pusong Ligaw at Bagani.

Samantala, si Daniel ay anak ng negosyanteng si Angelique Lhuillier at karter/motocross/drag racer na si Martin Miranda. Bahagi siya ng pamosong Lhuillier family at lolo niya ang kilalang diplomat, businessman at philantrophist na si Philippe Lhuillier. Ang kapatid nitong si Enrique na nagtapos sa Sydney ay nagtatrabaho ngayon sa PJ Lhuillier Group of Companies.

Image by Daniel Miranda via Instagram

Loading…