Superstar Nora Aunor ginawaran ng ‘Lifetime Achievement Award’ sa Gawad Amerika

Image by Nora Aunor via Instagram
  • Nora Aunor ginawaran ng Lifetime Achievement in Performing Arts sa Gawad Amerika
  • Sa kanyang acceptance speech, nagpasalamat si Aunor sa kanyang mga tagahanga sa Amerika, mga nagmamahal at tagasuporta
  • Aktibo pa rin ang superstar sa showbiz at bahagi ng series na Bilangin ang Bituin sa Langit

Ginawaran ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts si Philippine Superstar Nora Aunor sa katatapos lamang na 19th Gawad Amerika Awards sa Los Angeles, California. Pagkilala ito sa kanyang timeless contribution sa larangan ng pelikula.

Image by Nora Aunor via Instagram

Kilala si Aunor bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres sa industriya, kabilang sa mga hindi malilimutang pelikula na pinagbidahan niya ang Himala, Bona, Bulaklak sa City Jail, The Flor Contemplacion Story at Thy Womb.

Yamang hindi siya nakadalo nang personal sa awarding ceremony dahil sa COVID-19 pandemic, nagpadala na lamang siya ng video message.

Pahayag ni Aunor sa kanyang virtual acceptance speech, “Sa lahat ng mga tagahanga ko po diyan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, mga sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal para sa inyong lahat diyan, mula sa puso.”

Binubuo ng Filipino community sa United States ang Gawad Amerika Awards Foundation na naglalayong bigyang pagkilala ang mga kontribusyon ng mga personalidad sa larangan ng arts and entertainment, business, politics at education. Nabuo ito noong 1996.

Image by Nora Aunor via Instagram

Maliban sa Philippine Superstar, ginawaran din si Richard Brown ng Lifetime Achievement Award for Educationl samantalang sina Erwin Tulfo at Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ay parehong nakatanggap ng Lakandula Award.

Sa ngayon ay aktibo pa rin si Aunor sa showbiz industry at bahagi siya ng TV adaptation ng kanyang kilalang pelikula noong ’80s na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Matatandaang naantala ang pagpapalabas ng GMA Network sa serye dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic. Inaasahan naman na magpapalabas na ang TV station ng mga fresh episodes ng nasabing serye sa December 7, 2020.

Image by Nora Aunor via Instagram

Loading…