Taguig cop timbog sa pangingikil ng kalahating milyon sa isang dayuhang motorista

Imahe mula sa PNP-IMEG
  • Timbog sa isang entrapment operation sa loob ng presinto sa Taguig City ang isang scalawag cop
  • Dinakma ng kapwa law enforcer ang tiwaling pulis na kinilalang si Chief Master Sergeant Minly Gutierrez matapos tanggapin ang P20,000 marked money
  • Hiningan ng suspek ng kalahating milyong piso ang isang dayuhang motorista na nasangkot sa car crash

Timbog sa isang entrapment operation ang isang tiwaling police officer na nakatalaga sa Vehicular Traffic Investigation Unit ng Taguig City Police Station dahil sa pangingikil nito sa isang dayuhang motorista na nasangkot sa isang vehicular accident.

Imahe mula sa PNP-IMEG

Kinilala ang scalawag na law enforcer bilang si Chief Master Sergeant Minly Gutierrez na agad dinampot ng mga operatiba mula sa Highway Patrol Group (HPG) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng PNP dakong alas-singko ng hapon noong Miyerkules, November 25,  nang tanggapin nito ang P20,000 mula sa complainant sa loob mismo ng presinto.

Ang marked money na dinala ng complainant na isa umanong Chinese national ay para sa release ng sasakyan niya na na-impound.

Batay sa salaysay ng nagreklamo, pinupuwersa umano siya ng suspek na magbayad ng kalahating milyong piso bilang kabayaran sa gastusin sa pagpapagamot ng biktima sa aksidente. Hinihingian din umano siya ni Gutierrez ng P15,000 bilang traffic fines kaugnay ng pangyayari.

“We have received a complaint regarding the involvement of policeman who demanded PHP15,000 for alleged traffic fines and penalties incidental to the vehicular accident they involved and for the release of the vehicle,” pahayag ni IMEG acting director Colonel Thomas Frias.

marked money/Imahe mula sa PNP-IMEG

Sinabi naman ni PNP-HPG chief police Brigadier General Alexander Tagum na walang humpay ang kanilang ginagawang mga hakbang upang kalusin ang mga tiwaling pulis sa kanilang hanay.

Nagpasalamat din siya sa tiwalang ibigay sa kanila ng complainant.

“The public expects much of us law enforcers and what Gutierrez did has no excuse. The HPG is grateful for the victim’s trust so we could ensure that such a person will be held accountable for his crime,” aniya.

Dinala sa IMEG headquartes sa Camp Crame ang suspek para masampahan na ng mga kaso.

Loading…