Team Vhong, Jackie at Amy binigyang-pugay ang mga guro sa “Magpasikat”

  • Binigyang-pugay nina Vhong Navarro, Jackie “Ate Girl” Gonzaga, at Amy Perez ang mga guro
  • Sa pamamagitan iyan ng kanilang performance sa “Magpasikat” ng It’s Showtime
  • Nagpasalamat naman ang mga guro sa kanilang tribute

Hindi nagpaawat ang “It’s Showtime” sa kanilang tradisyon na pagbibigay ng kasiyahan sa Madlang Pipol sa pamamagitan ng taunang “Magpasikat.” Ito ay ang kolaborasyon o pagsasama ng mga hosts sa isang team upang magpakitang-gilas. Isa sa mga pinag-usapang performance ay ang ipinamalas ng Team ni Vhong Navarro kasama sina Jackie “Ate Girl” Gonzaga at Tyang Amy Perez.

Binigyang-pugay ng tatlo ang mga guro, na maituturing ding mga frontliners sa panahon ng pandemya, lalo na’t isa sa mga naapektuhan ng “Bagong Normal” ang sektor ng edukasyon. Kung nahihirapan ang mga magulang at mag-aaral sa online class at modular approach, doble rito ang sakripisyo ng mga guro.

Image capture mula sa ABS-CBN Entertainment via YouTube channel

Itinampok ni Tyang Amy sa kaniyang vlog na “Fun Fun Tyang Amy” YouTube channel ang mga behind the scene ng kanilang paghahanda upang makapagbigay ng makubuluhang performance sa mga Madlang Pipol sa kani-kanilang mga tahanan. Hindi raw naging madali ang kanilang pag-eensayo dahil de-numero ang kanilang galaw, subalit “worth it” naman daw. Ang ideya ng kanilang performance ay mula sa kanilang pinunong si Vhong.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, lalo na sa mga gurong pinag-alayan ng performance na ito.

“I love the idea of sharing to Madlang People the situation our heroes, us teachers,  during this pandemic,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Akala mo lang simple pero napakahirap ng execution. Congratulations!”

“Happy 11th Anniversary It’s Showtime! More to come! Thank you for appreciating our work as a teacher. Nakakaganang magtrabaho at gampanan ang tungkulin kapag may nakaka-appreciate,” wika naman ng isa.

The mga performances ng bawat team ay bahagi ng kanilang weeklong 11th anniversary celebration ng noontime show, na may hashtag na “Eleven Up ang Samahan,” na sumakto naman dahil napapanood na sila sa free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11. Lahat ng team ay inasunsyong panalo ni Big Brother.

Public Domain Image

Panoorin ang “Tribute to Teachers” performance ng Team Vhong, Jackie at Amy via YouTube channel:

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/mXknYdEhg08″ frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Loading…