Teen weightlifter mula sa Bohol, posibleng mas malakas pa kay Hidilyn Diaz

Imahe mula sa Samahang Weighlifting ng Pilipinas
  • Isang teen weightlifter mula sa Bohol ang pinaniniwalaang sinlakas o mas malakas pa kaysa kay Hidilyn Diaz, ang 2016 Rio Olympic Games Silver Medalist
  • Sinabi ng presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na kagila-gilalas ang performance ni Vanessa Sarno, 18, na kahit bagong gising ay naipanalo ang competition sa women’s 71-kilogram division
  • Ang competition ang kauna-unahang online Youth World Cup weightlifting championships na inorganisa ng Peruvian Weightlifting Federation na nilahukan ng 366 participants mula sa 66 countries

Isang disiotso anyos na babaeng weightlifter na mula sa Bohol ang pinaniniwalaang susunod sa mga yapak ng 2016 Rio Olympic Games Siver medalist na si Hidilyn Diaz bilang pambato ng bansa sa mga weightlifting competitions.

Imahe mula sa Samahang Weighlifting ng Pilipinas

Malakas ang paniniwala ni Monico Puentebella, ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas, na natagpuan niya sa katauhan ng isang teenage weightlifter na si Vanessa Sarno ang susunod kay Hidilyn Diaz na magbibigay ng marami pang karangalan para sa bansa.

Ibinahagi ni Puntebella na noong Martes, November 17, kahit kagigising pa lang ni Vanessa para lumahok sa kauna-unahang online Youth World Cup weightlifting championships ay siya ang itinanghal na kampeon sa Women’s 71-kilogram division. Ang kompetisyon ay inorganisa ng Peruvian Weightlifting Federation na nilahukan ng 366 participants mula sa 66 na bansa.

Magkaiba kasi ang oras sa Peru at Pilipinas kaya nag-adjust sa pagtulog at paggising si Vanessa.

“With enough determination and mental toughness, Vanna (palayaw ni Sarno) could be the next Hidilyn Diaz. That she was able to execute this very early this morning shows that Vanna is really something else. She kept her calm performing for three judges and five jury members from Peru,” ani Puentebella.

Imahe mula sa Samahang Weighlifting ng Pilipinas

Sabi pa niya, ang tulad ni Sarno ang matagal na nilang hinahanap. Ang kagila-gilalas daw kay Sarno ay nagawa nito ang napakahusay na performance sa competition sa kabila ng kakulangan sa training at equipment.

Nakapagtala siya ng 91 kilos sa snatch at 118 kilos sa clean-and-jerk para sa kabuuang 211 kilos.

Pinuri ni Puentebella ang mga coach ni Sarno dahil napanatili nila ang competitive form ng teen weightlifter sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Samahang Weighlifting ng Pilipinas
Source :

ABS-CBN

Loading…