Tekken director hanga kay Nadine Lustre nang i-cosplay ang Tekken game character na Josie Rizal

Imahe mula sa Instagram account ni Andrei Suleik
  • Nadine Lustre nag-trending sa Twitter sa pag-cosplay niya ng Tekken character na Josie Rizal
  • Nag-trending ang aktres nang i-retweet ni Tekken producer-director Katsuhiro Harada ang isang Twitter post ng pinagtabing litrato ng aktres at ni Josie Rizal
  • “Perfect” ang papuri ni Harada para kay Nadine Lustre

“Perfect” ang tanging nasabi ni Katsuhiro Harada sa larawan ng actress-singer na si Nadine Lustre na nakasuot ng costume ng Tekken video game character na si “Josie Rizal.”

Imahe mula sa Instagram account ni Andrei Suleik

Si Harada ay isang Japanese game producer, director at general manager ng Bandai Namco Entertainment. Mas kilala siya bilang producer-director ng Tekken video game series.

Ni-retweet ni Harada ang post ng isang Twitter user kung saan makikita ang pinagtabing litrato ng aktres na suot ang costume ng Tekken character at ng imahe ni Josie Rizal mula sa Tekken 7.

Ang orihinal na larawan ni Nadine na naka-costume ay unang ibinahagi sa Instagram noong November 1. Matapos itong mapansin ni Harada ay nag-trending na si Nadine sa Twitter.

Si Josie Rizal ang nag-iisang Filipino character sa Tekken series. Una siyang ipinakilala noong March 2015 bilang isa sa apat na playable characters sa Tekken 7 kasama sina Jin Kazama, Devil Jin at Gigas.

Marami ang nag-akala noon na si Josie Rizal ang ikalawang Pinoy character sa Tekken series. Ang una raw ay ang character na si Mokujin, ayon sa isang website. Si Mokujin ay walang sariling figthing style. Ginagaya lang niya ang istilo ng ibang Tekken characters na nakakaharap niya.

Screenshot ng tweet ni Katsuhiro Harada

Kinumpirma ni Harada na si Josie ang nag-iisang Filipino character sa aTekken. Isang typographical error lang daw ang nangyari sa website kung saan sinabing Pinoy si Mokujin.

Isang Filipino-American, si Mark “Markman” Julio, ang kinonsulta ni Harada sa pagbuo ng karakter ni Josie Rizal – ang katangian nito at maging ang kontrobersyal na pangalan na isang tribute sa national hero ng Pilipinas na si Jose Rizal.

Imahe mula sa Tekken 7
Source :

Twitter, Y101

Loading…