Teknolohiya sa paggawa ng E-Nutribun libreng inaalok ng DOST sa mga entrepreneurs

Imahe mula sa DOST
  • Technology sa paggawa ng e-nutribun libreng ibibigay ng DOST sa qualified entrepreneurs
  • Para maging qualified, ang pasilidad ay dapat nakasusunod sa Good Manufacturing, handang mamuhunan sa mga equipment at raw materials, at may legal identity o isang rehistradong kumpanya na nagbabayad ng buwis
  • Ayon sa DOST, ang e-nutribun ay hindi lang para sa mga bata dahil mainam din ito sa mga buntis, inang nagpapagatas at mga senior citizens

Maaaring libreng mapasakamay ng mga entrepreneur ang teknolohiya sa paggawa ng enhanced nutribun (E-Nutribun) kung sila ay mayroong kapabilidad na mag-produce nito nang maramihan, ayon sa Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST-FNRI).

Imahe mula sa DOST

Para maging qualified, ang pasilidad ng negosyante ay dapat nakasusunod sa Good Manufacturing Practice o nagsusumikap na makamit iyon, handang mamuhan sa mga equipment at raw materials, at may legal identity o isang rehistradong kumpanya na nagbabayad ng buwis.

“The technology on the production of enhanced nutribun is a ‘public good technology’,” sabi ni Rosemarie G. Garcia, Chief Science Research Specialist ng DOST-FNRI.

Ang e-nutribun ay ang enhanced version ng nutribun noong 1970s. Ang orihinal ay sagana sa protina at carbohydrates samantalang ang “E” version ay gawa sa squash puree na siksik sa Vitamin A, calcium at micronutrients gaya ng iron na inihalo sa tradisyunal na sangkap ng tinapay tulad ng yeast, shortening, asukal at asin.

Batay sa Expanded National Nutrition Survey noong 2018, ang mga batang 6-9 years old ay kulang sa Vitamin A ng hanggang 63.1 percent, samantalang ang nasa edad 10-12 years old ay may 76.1 percent deficiency ng nasabing bitamina.

Imahe mula sa DOST

Ang isang e-nutribun na mas malambot kaysa sa orihinal at tumitimbang ng mula 160 grams hanggang 165 grams kada piraso ay sapat para makapagbigay ng 60 percent ng kinakilangang vitamin A.

Ayon sa DOST, ang e-nutribun ay hindi lang para sa mga bata. Mainam din ito sa mga buntis, inang nagpapagatas at mga senior citizens. Maging ang mga healthy Pinoys ay kailangan din ng pagkaing tulad ng e-nutribun.

Tutulong ang mga pilot plant engineeers ng DOST-FNRI sa mga entrepreneurs para sa layout ng kanilang pasilidad at paggawa ng listahan ng mga equipment na dapat bilhin.

Batay sa estimate ng mga DOST engineers, mababawi ng negosyante ang puhunan sa loob lang ng dalawa hanggang dalawa’t kalahating taon.

Imahe mula sa DOST

 

Loading…