Tinatanggihan dahil walang pambayad, batang may karamdaman sana ay matulungan

Image by Manilyn Palad via Facebook
  • Batang nakalabas ang bituka at hindi nakakakain, tinatanggihan ng ospital dahil walang pambayad
  • Netizen nakiusap sa mga may mabubuting loob na tulungan ang mag-ina
  • Nakita umano ng netizen ang mag-ina habang nakasakay sa bagon ng MRT

Minsan, kung sino pa ‘yung walang-wala ay sila pa ang dinadapuan ng karamdaman o kaya’y mas lalong hinahamon ng buhay. Nakakaawa na ang kalagayan ng mga kababayan nating isang kahig isang tuka, kagaya ng bata na tinatanggihan ng mga pagamutan dahil walang pambayad. Sana’y may mga tumulong naman.

Image by Manilyn Palad via Facebook

Humakot ng atensyon sa social media kamakailan ang kuwento ng isang bata na parang nanghihina na na nakasabay ng isang netizen habang nakasakay sa bagon ng MRT.

Pagbabahagi ni Manilyn Palad, ipinakita pa raw sa kanila ng nanay ang kalagayan ng anak na nakalabas ang bituka at kuwento nito’y isinusuka ang mga kinakain.

Dahil dito, nagtanong sila kung saan dadalhin ang bata. Saad ng magulang ay sa Ospital ng Pasig daw at nagbabaka-sakali sila na tanggapin ang anak sapagkat makailang beses na raw silang tinatanggihan ng mga pagamutan na pinupuntahan nila yamang wala silang pambayad.

“Sobra pong nakakaawa na ‘yung bata kasi lakad lang daw simula Paranaque,” ani Manilyn.

Saad pa nito, sa mga nakaluluwag-luwag naman, sana’y matulungan ang bata. Maaari raw ma-contact ang nanay na si Ate Rosemarie sa cellphone number 0926-287-2534.

Image by Manilyn Palad via Facebook

Kagyat namang nag-trending ang post na nakalikom na ng higit 8,200 reaksyon at nasa 24,000 pagbabahagi habang ipino-post ito. Marami ang nag-tag sa programa nina Raffy Tulfo at Jessica Soho.

Komento ng isa, “Ang sakit makita ‘yung anak mo na may karamdaman, ‘yun ang pinakamasakit sa isang ina. Sana naman po, may tumulong sa kanila. Kawawa naman. Lord, please, gabayan n’yo po ang mag-ina at ikaw na po ang bahala sa kanila. Sana po may malambot na puso at nakaka-luwag-luwag na makatulong sa kanila.”

Saad ng iba, “So sad, sana may mabuting puso at kalooban na tumulong sa mag-ina. Sir Raffy, please naman po, tulungan mo po sila.”

Image by Manilyn Palad via Facebook
Source :

Facebook

Loading…