Toni Gonzaga kumpirmadong main host ng Pinoy Big Brother Connect

Image by Toni Gonzaga via Instagram | Image by Pinoy Big Brother via Facebook
  • Toni Gonzaga, kumpirmadong siya ang magiging main host ng PBB Connect
  • Aniya sa hamon ni Kuya para maging host: “Yes! Wala nang pag-uusapan, pag-iisipan pa. Yes”
  • Makakasama niya bilang co-hosts sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo

Kumpirmadong si Toni Gonzaga pa rin ang magiging main host ng pinakabagong season ng Pinoy Big Brother na tatawaging PBB Connect; batay ito sa naging usapan nina Big Brother (Kuya) at Toni na nai-upload sa YouTube channel ng programa.

Image by Toni Gonzaga via Instagram

Sa bidyo ay maririnig ang sikat na boses ni Kuya kung saan una muna niyang kinumusta ang pamilya ng TV host/actress yamang kaka-survive lamang nila sa karamdaman.

Sunod na sinabi ng boses ang hamon kay Toni para magbalik bilang host ng programa na kagyat namang inaprubahan ng huli. Aniya, “Buong-pusong yes na yes, basta ikaw! Yes! Wala nang pag-uusapan, pag-iisipan pa. Yes.”

Matatandaang si Toni ang naging host sa lahat ng 14 editions ng PBB mula pa noong 2005. Nakilala siya sa kanyang signature greetings na “Hello, Philippines, and hello, world!”

Makakasama naman niya bilang co-hosts sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo. Magsisimula na ngayong Nobyembre ang palabas ayon kay PBB Head Director Laurenti Dyogi.

Nag-yes sa shutdown, puwedeng makapasok? Bahay ni Kuya muling magbubukas, audition dinagsa

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang audition para sa mga aspiring housemates na may edad 16 hanggang 35.  Nagaganap ito sa community platform na Kumu. Para makasali, i-download lamang ang Kumu application sa Google Playstore o Apple Appstore at mag-register sa https://app.kumu.ph/Pbbabscbn.

Sunod na i-tap ang Karlito icon at gumawa ng isang minutong clip habang ipinapakilala ang sarili. I-post ito sa Kumu timeline at ilagay ang buong pangalan, edad, lokasyon at hashtag na #PBBkumuaudition. Kokontakin ng account na @pbbabscbn ang mga mapipili para sa next step na gagawin.

Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook

Marami na ang napasikat ng programa. Kabilang na rito sina Kim Chiu, Ejay Falcon, James Reid, Melai Cantiveros, Maymay Entrata at Edward Barbers.

Halaw ang programa sa Dutch reality show na Big Brother kung saan ang mga contestants ay tatawaging “housemates.” Ang mga ito’y mananatili sa loob ng isang bahay habang patuloy na mino-monitor ng kamera.

Panoorin ang video mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Loading…