“Totoong tao”: Kim Chiu may touching birthday message kay Angelica Panganiban

  • Kim Chiu, sumulat ng moving message para sa kaibigang si Angelica Panganiban
  • Pahayag ni Kim, isang totong tao at totoong kaibigan si Angelica
  • Anang Chinita Princess, “Will forever treasure the tears we shared and most especially the laughter we always have whenever we’re together!”

Pinasalamatan ni Chinita Princess at bagong Queen of the Dance Floor Kim Chiu ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban sa pagiging totoong tao at totoong kaibigan. Bahagi ito ng kanyang mensahe para sa birthday celebrant na 34 anyos na noong November 4.

Image by Kim Chiu via Instagram

Pahayag ni Kim, “Happy birthday momsy Angge! Mahal na mahal kita alam mo yan!!! Isa ka sa mga totoong tao na nakilala ko! Will forever treasure the tears we shared and most especially the laughter we always have whenever we’re together! Salamat sa paging totoong kaibigan.”

Dagdag nito ang pasasalamat sa palaging pagsakay nina Angelica at Bela Padilla sa kanyang mga trip. Tinatanong pa niya kung nasaan ang birthday celebrant at pupuntahan daw niya ito.

Kasabay nito, binanggit ni Kim ang kanyang wish para sa kaibigan na sana’y mabiyayaan pa ito ng mas marami at walang patid na happiness, endless laughter yamang deserve niya ito, aniya. Miss na miss na raw niya ang kaibigan nila ni Bela.

Bahagi ng post, “Deserve mo ‘yan! Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more. I love you moms!”

Sumagot naman si Angelica sa mensahe ng kaibigan, “@chinitaprincess hey! Salamat moms! Super laugh ako dito!! Kita tayo mamaya please!!! Bibigyan kita ng clue kung nasaan ako.”

Image by Kim Chiu via Instagram

Samantala, nagkasama naman sina Bela at Angelica para sa isang celebration. Post ni Bela para sa kaibigan, “First time, magkasama tayo ng saktong 12. Salamat at taon taon kang ngumingiti at napapangiti.”

Saad pa nito, “wala na kong mawiwish sayo this yeeeeaaarrrr!!!! I looooove you, Angirlikaaaaa”

Image by Kim Chiu via Instagram

Loading…