“Totoy” photo ni Yorme Isko Moreno kinakiligan

  • Kinakiligan ng mga netizens ang throwback photo ni Yorme Isko Moreno
  • Ito ang mga panahong isa pa siyang matinee idol sa pinilakang-tabing
  • Ibinahagi ito sa Facebook page na “Memories of Old Manila”

Isa sa mga tinitingalang public servant ang alkalde ng Lungsod ng Maynila ni Mayor Isko “Moreno” Domagoso, na mas kilala ngayon bilang Yorme Isko. Alam ng lahat ng Manilenyo ang naging kuwento sa likod ng pagtatagumpay ni Yorme, na nagsimula bilang isang artista.

Kahit may edad na si Yorme, mababakas pa rin sa kaniya ang karismang minahal ng mga tagahanga niya, kahit noong siya ay artista pa lamang at hindi pa sumasabak sa politika. Kaya naman, kinakiligan ng mga netizens ang ibinahaging throwback photo ni Yorme noong siya ay “totoy” pa lamang. Ibinahagi ito ng netizen na si “James Lagnas” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na bumati pa sa kaarawan ng alkalde.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang cute-cute naman ni Yorme! He aged gracefully. Kahit na medyo nagkaedad na, yummy pa rin siya. Sana hindi siya masyado mastress sa mga pasaway sa Maynila para guwapo pa rin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dati minamaliit lamang si Isko, ngayon, isa na siya sa mga tinitingalang public servant. Pero ang guwapo niya pa rin oh, look at the picture.”

“He is still guwapo! For me, mas lalo siyang naging good-looking nang nagkaedad na siya,” wika naman ng isa.

Si Francisco Moreno Domagoso ay nakilala talaga sa screen name na “Isko Moreno” bago pa man sumabak sa politika. Bago maging alkalde ng Maynila, siya ay naging konsehal (tatlong termino) mula 1998 hanggang 2007, pagkatapos ay naging bise alkalde mula 2007 hanggang 2016. At ngayon, siya na ang alkalde ng Maynila na gumawa ng maraming pagbabago sa lungsod, simula nang siya ay maupo sa posisyon.

Public Domain Image

Loading…