Trending: Pagtatanggol ng stray dogs sa homeless beggar na nagpapakain sa kanila

Image by Majlis Perbandaran Kajang via Facebook
  • Larawan ng mga asong ligaw na ipinagtatanggol ang pulubing nagpapakain sa kanila, trending
  • Hindi naging maganda ang wakas yamang hinuli ng mga awtoridad ang mga aso
  • Marami ang nahabag at nakisimpatiya sa pulubi at mga aso

Itinuturing na “man’s best friend” ang mga aso dahil sa pagiging loyal nila sa taong nag-aaruga sa kanila. Bukod sa kasiyahang nadadala ng mga ito lalo na kapag iwinawasiwas ang buntot o niyayakap at tinatalon nila ang pet owner, nakahanda rin silang proteksyunan ang huli hangga’t makakaya nila.

Image by Majlis Perbandaran Kajang via Facebook

Nag-trending kamakailan ang larawan ng grupo ng mga stray dogs o mga asong ligaw na pinalibutan ang isang homeless na lalaki na natutulog sa sidewalk.

Naging malapit diumano ang pulubi sa mga aso at pamilya na ang turing sa isa’t-isa yamang ang nauna ay nagbibigay ng pagkain sa mga aso.

Kaya lamang, nang mga sandaling iyon ay hindi ang pulubi ang target kundi ang mga aso. Ito kasi ay bahagi ng operasyon ng Kajang City Council sa bansang Malaysia kung saan hinuhuli nila ang mga asong pakalat-kalat sa lungsod.

Sapagkat naging matagumpay ang operasyon ng mga awtoridad, tuluyan nang nawasak ang pamilyang binuo ng mga stray dogs at ng pulubi. Pansamantalang mailalagay sa kulungan ang mga aso, at kung may mag-aampon ay makalalaya sila pero kung wala sa loob ng “time period” ay kinakailangan na nilang magpaalam.

Image by Majlis Perbandaran Kajang via Facebook

Mababasa sa post ng Kajang City Council na nakahuli sila ng nasa 20 aso mula sa iba’t-ibang lokasyon sa lungsod sa loob ng 6.5 na oras.

Marami ang nahabag sa pangyayari at nakisimpatiya sa mga aso at sa pulubi. Komento ng isa, “MPKJ and the dog catchers, remember karma is waiting to strike back. One day, [the] universal law is always fair to everyone. Those dogs are innocent souls and they are part of almighty creations.”

Saad naman ng iba, “Homeless guy has nothing but it is able to take care of dogs. Yet MPKJ is taking away the one thing he has. Please show some compassion. The dogs are not strays, they have an owner.”

Image by Majlis Perbandaran Kajang via Facebook

Loading…