Tuguegarao mayor binatikos dahil out of town habang nananalasa ang bagyong Ulysses

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Soriano-Dee
  • Tuguegarao mayor, hinanap ng mga residenteng humihingi ng saklolo dahil sa malawakang pagbaha
  • Umani ng batikos ang alkalde nang malaman ng netizens na nasa Batangas siya at nagdiwang ng kanyang kaarawan
  • Ipinaliwanag naman ni Mayor Jefferson Soriano na nagpaalam siya kay Governor Manuel Mamba at sinubukang bumalik noong November 12

“Nasaan si mayor?” Ito ang katanungan ng mga residente ng Tuguegarao habang nananawagan sila ng tulong dahil sa malawakang pagbaha sa lungsod na dulot ng bagyong Ulysses.

Imahe mula sa DPWH Region 2

Umani ng mga pambabatikos si Mayor Jefferson Soriano nang ibahagi ng ilang netizens ang screenshot ng isang larawang ipinost ng anak niyang si Bea Soriano-Dee sa social media kung saan kasama niya ang ama na nag-celebrate pala ng kanyang kaarawan sa Batangas.

“I didn’t think I would see you for the rest of the year. So, having you here with us is the best gift ever. Happy birthday to my man, my fave petite papa (haha),” post ni Soriano-Dee sa Instagram na ngayon ay deleted na.

Sa paliwanag ng alkalde, sinabi niyang humingi naman siya kay Governor Manuel Mamba ng permiso upang umalis ng Tuguegarao. Sinubukan rin umano niyang bumalik noong November 12, subalit sarado raw ang North Luzon Expressway (NLEX).

“Umalis po ako rito last Sunday afternoon. I tried coming back on the 12th nung nag-umpisa na po ang ulan pero sarado na po ang Bocaue – ang NLEX. So ‘yung regional director was giving me an update up to nagbukas po ng hapon ng 12. Hindi na po ako maka-travel sa gabi so I left Manila at about 3 o’clock in the morning. And I arrived here at Tuguegarao about 4 or 5 o’clock,” paliwanag ni Mayor Soriano.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Soriano-Deee

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na pagpapaliwanagin nila ang alkalde kung bakit nito iniwan ang Tuguegarao.

“Yes, we will issue a show cause order. The mayor is the father of his city and he cannot just leave his constituents in the middle of a disaster just to celebrate his birthday,” ani Usec.Malaya.

Aniya, sa ilalim ng Oplan Listo, ang mga mayor ay dapat nakaalerto 48 hours bago mag-landfall ang bagyo. Hindi umano justifiable ang birthday celebration upang iwan ng alkalde ang kanyang nasasakupan sa harap ng sakuna.

Imahe mula sa PNA

Loading…