“Twin Doctors:” Kambal sabay na nakapasa sa Physician Licensure Exam

  • Parehong nakapasa sa Physician Licensure Exams ang isang kambal sa Surigao Del Sur
  • Pareho rin silang kumuha ng kursong Medical Technology bilang pre-medical course sa parehong pamantasan
  • Noong 2014, pareho ang naging resulta ng kanilang rating sa Medical Technology Licensure Exams

Sabay na nakamit ng kambal mula sa Bislig City, Surigao Del Sur ang pagkakapasa sa Physician Licensure Exams, nang ilabas ang pangalan ng mga pumasa at naging resulta, nitong Nobyembre 2020.

Makikita sa Facebook post ng isa sa kanilang mga kapatid na babae na si “Christ-in Mae Bautista Cabayao” ang kaniyang pagmalalaki sa mga kapatid na kambal, na parehong nakapagtapos ng pre-med course na BS Medical Technology, at kursong Medisina sa Silliman University.

Imahe mula sa Facebook account ni Christ-in Mae Bautista Cabayao

“Glory to God and congratulations to our new doctors Charlaine Bautista and Charmaine Macarine Bautista. All your sacrifices and sleepless nights paid off… O taste and see that the LORD is good: blessed is the man that trusteth in him. Psalm 34:8,” saad sa caption nito.

Isa pang nakamamangha sa kanilang dalawa, pareho ang nahuha nilang rating nang kumuha sila ng Medical Technology Licensure Exams noong 2014. Kahit sa piniling propesyon ay pareho rin sila, bagama’t si Charlaine talaga ang may marubdob na pagnanais na maging isang doktor.

“Unlike my twin sister who knew from the very start that she wants to become a physician, I was undecided on what course to take. So, I followed her footsteps and took BSMT. By God’s grace, I graduated and passed the board exam in 2014,” paliwanag ni Charmaine.

“We both worked as medical technologists for 6 months. At first, I thought I wanted to work as a medical technologist abroad. But then, while working as a medtech, my heart and eyes were opened that I can still do more. I can be more. That was when I pursued medicine.”

Imahe mula sa Facebook account ni Christ-in Mae Bautista Cabayao

Kaya naman masayang-masaya sila nang ibalita na sa kanila na pareho silang nakapasa sa PLE.

“We were both awakened at 1 AM because of a phone call from one of our resident doctors, congratulating us for passing the PLE. We were both in tears, with hands trembling as we were scrolling the list of passers,” saad ni Charlaine.

Hanggang ngayon daw, hindi pa rin makapaniwala ang kambal na pareho na silang lisensyadong physicians. Sa ngayon, nais ni Charlaine na maging pediatrician habang si Charmaine ay nagninilay pa kung ano ang magiging specialization niya. Subalit ang nakatitiyak, sabay silang magpapraktis ng pagiging general physicians at mag-aaplay ng residency sa taong 2022.

Pagbati sa kambal na doktor!

Loading…