Unang batch ng bagong Black Hawk choppers ng PAF mula Poland dumating na

Imahe mula sa Facebook - Pilipinas
  • Dumating na ang unang batch ng Black Hawk helicopters ng PH Air Force mula sa Poland
  • Limang unit ang lumapag sa Clark at isa ang darating sa Disyembre habang ang 10 ay ide-deliver sa susunod na taon
  • Ito ay kapalit ng Bell choppers na kinansela ng Pangulo ang kontrata sa Canada

Lumapag na sa Clark International Airport nitong Lunes, Nobyembre 9, ang lima sa anim na Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters ng Philippine Air Force (PAF) mula sa Poland.

Ang anim na Black Hawk choppers ang unang batch na ide-deliver mula sa 16 units na binili ng Department of National Defense (DND) na nagkakahalaga ng P12.1-B.

Imahe mula sa PLinPhilippines – Facebook

Lumapag sa Clark ang 5 helicopters sakay ng isang Russian Antonov heavy transport plane habang inaasahang darating naman sa Disyembre ang pang-anim sakay ng barko. Ang nalalabing 10 units ay inaasahang maide-deliver sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ang Sikorsky S-70i Black Hawk ay gawa ng PZL Mielec sa Poland bilang kapalit ng Bell 412EP na unang in-order ng Pilipinas sa Canada.

“The purchase of 16 S-70i combat-utility helicopters manufactured by the Polish Aviation Works-Mielec (PZL-Mielec) is an excellent example of cooperation between our two countries,” ayon sa pahayag ni Jaroslaw Szczepankiewicz, CDA of the Embassy of the Republic of Poland in Manila.

Magugunitang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata sa Canadian Commercial Corp. para sa 16 na Bell helicopters matapos kuwestiyunin ng Canadian government kung saan gagamitin ng Pilipinas ang nasabing aircraft.

Sample photo of Sikorsky S-70i Black Hawk| Imahe mula sa Air Recognition

Samantala, sinabi ng DND na malaking tulong umano sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong helicopter lalo na sa pagresponde sa oras ng kalamidad.

“The Blackhawks will greatly boost the Armed Forces of the Philippines’ capability to conduct various operations, including combat missions, humanitarian assistance and disaster response, and help in the government’s efforts against COVID-19,” wika ng DND sa pahayag nito.

Loading…