US President-elect Joe Biden nagpahayag ng saloobin hinggil sa pagsusuot ng face mask

  • May saloobin si Joe Biden hinggil sa pagsusuot ng face mask
  • Ito raw ay patriotic duty ng mga mamamayan at hindi isang political statement
  • Ipinahayag niya iyan sa Twitter

Ang pagsusuot ng face mask o maging face shield ay isa sa mga ipinatutupad na health protocols upang masawata na ang paglaganap ng COVID-19  sa bansa at maging sa buong daigdig, upang makabalik na sa “Dating Normal” ang pamumuhay ng mga tao; bagama’t sa ibang bansa, hindi ito masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Kaya naman, pinag-usapan ng mga netizens ang Twitter post ni US President-elect Joe Biden noong Nobyembre 20, 2020 hinggil sa pagsusuot ng face mask.

Imahe mula sa Twitter account ni Joe Biden

“Wearing a mask isn’t a political statement — it’s a patriotic duty,” saad ng kaniyang post.

Narito naman ang naging reaksyon at komento ng mga netizens.

“Wearing a mask shows that you care for your fellow human. There’s nothing political about making sure that we protect one another from dying, and simply wearing a mask is such an easy task to protect all of us,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Indeed! We have to wear a mask for the world, for our families, for our friends, for complete strangers, for yourself, and for our heroes. Remember, wear a mask!”

“It’s our moral, civic, and patriotic duty. Now we are going to have a president who cares about the people!” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Make it unlawful to be in public without a mask. There has to be a discipline for those who refuse to wear them. I see it everyday all day long. Can’t wait ’til Biden is in office. This country needs him.”

Public Domain Image

Matatandaang noong Abril 3, 2020, sinabi ni incumbent US President Donald Trump na hindi siya naniniwalang masosolusyunan ng pagsusuot ng face mask ang problema sa COVID-19; bagay na umani naman ng iba’t ibang reaksyon at komento hindi lamang sa mga Amerikano, kundi sa iba pang mga lahi sa daigdig.

Loading…