Videoke pinaiiwasan ng DOH sa kapaskuhan; pagkanta malakas magpakalat ng COVID-19

Imahe mula sa file ng DF Balita
  • Hindi inirerekomenda ng DOH ang videoke sessions sa holiday season
  • Batay umano sa pag-aaral, ang pagkanta ang pinakamalakas magpakalat ng virus
  • Mas mainam na magsagawa na lang ng virtual celebrations, mag-online shopping at um-attend ng online mass

Sa darating na holiday season ay tiyak na marami ang magaganap na reunion ng pamilya at ng barkadahan. Bukod sa mga pagkain at inuming inihahanda, hindi mawawala sa mga pagtitipon ng mga Pinoy ang videoke session.

Imahe mula sa Philippine Lifestyle

Subalit dahil umiiral pa rin ang COVID-19 pandemic ay minabuti ng Department of Health (DOH) na bigyan ng babala ang publiko na iwasan na muna ang pagkakantahan sa mga malalaking pagtitipon.

Sa Laging Handa press briefing noong Biyernes, November 7, sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang isang pag-aaral na nagsasabing ang pagsasalita, paghinga, pag-ubo at pagkanta ng mga tao ay makapagpapakalat ng COVID-19.

Sa mga nabanggit, ang pagkanta umano ang pinakamalakas magpakalat ng virus.

“Nakita dito ‘yung mga iba’t ibang load ng virus na pwedeng ilabas sa bawat activity na ginagawa natin. At dito pinakita na kapag ikaw ay nagsasalita, kapag ikaw ay humihinga, kapag ikaw ay umuubo. At nakita sa pag-aaral na ito na kapag ikaw ay kumakanta, dito ang pinakamataas na load ng virus na pwede mong mai-transmit,” ani Usec. Vergeire.

Aniya, dahil ang mga rekomendasyon ng DOH ay ibinabatay sa siyensya at ebidensya, ang rekomendasyon nito ay huwag na munang mag-videoke session, maliban na lang kung ang magkakantahan ay isang pamilya na ang mga miyembro ay hindi naman lumalabas ng bahay.

Screenshot mula sa video ng The Conversation

“Syempre sa mga pami-pamilya lang na hindi naman lumalabas, maaari naman natin ‘yang payagan, pero ‘yun pong mga pang-malawakan, mga party po ng magkakaibigan, baka po dapat iwasan po muna natin ito,” saad pa ng DOH undersecretary.

Sa ilalim ng inilabas na guidelines, pinayuhan ng DOH ang publiko na limitahan ang face-to-face activities kahit holiday season. Mas mainam daw na magkaroon na lang ng virtual celebrations, mag-shopping online at um-attend ng online mass.

At kung hindi naman maiwasan ang mga pagtitipon, dapat umanong iksian na lang ang oras nito. Hindi rin dapat kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing at cough etiquette.

Imahe mula sa PTV

Loading…