VIRAL: 85-anyos tinatapunan diumano ng pagkaing baboy ng anak

Image by Willie Damasco via Facebook
  • Kuwento ng 85-anyos na diumano’y tinatapunan ng pagkaing baboy ng anak, trending sa social media
  • Marami ang naawa sa kalagayan ng matanda
  • Sabi ng iba, kahit na may maling nagawa ang matanda ay hindi pa rin maganda ang tratuhin siya nang ganoon

Hindi mababayaran ng kahit na anumang salapi ang pagmamahal at pag-aaruga na inilalaan ng mga magulang sa kanilang mga anak kaya’t nararapat lamang na suklian ito sa pamamagitan ng pagiging isang mabuting anak sa kanila at alagaan sila kapag matanda na.

Image by Willie Damasco via Facebook

Humakot ng atensyon sa social media kamakailan ang larawan ng isang 85-anyos na diumano’y tinatapunan ng kanyang anak ng kaning baboy. Maraming netizens ang nahabag sa kalagayan ng matanda at sinabing sana’y irespeto naman ng anak ang kanyang nanay.

Sabi pa ng iba na kahit may nagawang pagkakamali ang ina ay hindi pa rin tama ang ginagawa ng anak.

“85 years old na Nanay gibuhosan og lamaw sa iyahang anak nga tumboy, tarong ba gud na?!” ang mababasa sa Facebook post ni Willie Damasco sa Facebook. Umabot na sa higit 46,000 reaksyon at nasa 69,000 reaksyon ang post habang ibinabahagi ito.

Komento ng isa, “Bakit kaya may ganitong klaseng anak sa mundo? Mahalin mo ‘yung mama mo hangga’t nand’yan pa s’ya dahil ‘pag nawala ‘yan, du’n mo malalaman ang halaga n’ya.”

Iba pang komento, “Ang ina ang nag-aruga sa kanya mula pagkabata n’ya tapos ganyanin n’ya. Anong klaseng anak ‘yan? Bobo ba s’ya? Ba’t ginaganyan niya ang ina, suwerte pa siya na nasabi niya, ako nasa abroad.”

Image by Willie Damasco via Facebook

May nagsabi naman ng, “Kawawa naman si lola, kung sa amin lang ‘yan nakatira, aalagaan pa namin yan. Ikaw na anak, imbes na alagaan mo ang iyong mama, ganyan pa ang ginagawa mo.”

Nawa’y matunton na nga ang kinaroroonan ng matanda at matulungan para matigil na ang nararanasan sa kanyang anak.

Image by Willie Damasco via Facebook

Loading…