Vlogger binatikos dahil hindi nakilala ang larawan ni Dr. Jose Rizal

Screenshot mula sa vlog ni Amae Coz
  • Sa isang vlog, naglaro ang magkaibigang vloggers na si Amae Coz at Mary Lite Lamayo ng Guess Who Challenge
  • Nabatikos si Lamayo dahil hindi niya nakilala ang larawan ni Dr. Jose Rizal
  • Nag-viral ang video pero turned off na ang comments section para matapos na ang pambabatikos

Maraming netizens ang hindi natuwa sa video ng vlogger na si Mary Lite Lamayo at ng kaibigang si Amae Coz. Hindi kasi nakilala ni Mary ang Pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Screenshot mula sa vlog ni Amae Coz

Sa vlog ay naglaro ang dalawa ng “Guess Who Challenge” kung saan pinahulaan ni Amae Coz kay Mary Lite Tamayo kung sino ang mga nasa larawang ipapakita sa screen. Maliit na bahagi lang ng mukha ang ipinapakita upang maging mas challenging ang laro.

In-upload ni Amae Coz sa YouTube channel niya ang laro nilang magkaibigan noong October 14 at agad iyong nag-viral.

“For today’s vlog may kasama ako at ang gagawin nating challenge ay ang Guess Who Challenge. Doon, magpapakita lang ako sa kanya ng mata, ilong, bibig tapos huhulaan niya lang kung sino ‘yun,” sabi ni Amae Coz sa vlog niya na pinamagatang “Guess Who Challenge with Mary Lite Lamayo.

Nagbibigay naman ng clue si Mae kay Mary para hindi ito masyadong mahirapan.

Halos lahat ng mga kapwa vloggers at celebrities na pinahulaan ay nasagot nang tama ni Mary, pero pagdating sa larawan ni Gat Jose Rizal ay nahirapan siya. Tinanong pa niya kung artista ba ang nasa litrato o kaya ay “TikToker.”

Screenshot mula sa vlog ni Amae Coz

“Hindi ba ‘yan si Cong? Sino ‘yan? Artista ba ‘yan? Normal na tao?… nagti-TikTok ‘yan?” tanong ni Mary.

Nang hindi mahulaan ay ipinakita na ni Amae kay Mary ang buong litrato ni Rizal.

Umabot sa mahigit kalahating milyon ang views ng video, pero turned off na ang comments section dahil sa dami ng bumatikos sa kanila.

Narito ang video:

Loading…