Vlogger ipinakita ang tamang pag-awra sa pagtanggap ng delivery parcel

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang vlogger
  • Ipinakita niya ang tama umanong “pag-awra” sa pagkuha ng picture ng delivery rider
  • Tinawag niya itong “Vavaeng Marangal Challenge”

Sa panahon ng community quarantine, mas lalo pang lumakas ang pagpapa-deliver at online shopping. Mas convenient kasi ito dahil hindi na kailangan pang magtungo sa mga mall o tiyangge at manggalugad ng mga items na bibilhin. Sa tulong ng mga online shopping apps, mas napadadali ang pagbili ng iba’t ibang produkto sa murang halaga.

Kaya naman kinaaliwan ng mga netizens ang vlogger na si Michelle Fox matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang tamang paraan ng “pag-awra” o pag-pose kapag kukuhanan ng larawan ng delivery rider, bilang patunay na natanggap ng customer ang kaniyang delivery parcel. Tinawag niya itong “Vavaeng Marangal Challenge.”

Imahe mula sa Facebook account ni Michelle Fox

“Proof of received parcel! #VavaengMarangalChallenge,” ayon sa kaniyang post. Makikita sa kaniyang mga larawan na talaga namang “kikay na kikay” ang kaniyang pag-pose sa pagkuha ng larawan ng delivery rider, na natatawa rin kay Michelle.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Sana ganyan lahat ng nagdedeliver! Para prepared naman kami sa awrahan. Hindi yung picture agad-agad,” saad ng isa.

Wika naman ng isa, “Yung ako hiyang-hiya magpakuha ng photos kapag may parcel, pero siya pak na pak ang pose! Go girl!”

“I hate it, kapag magrereceive ng item, need pa kasi ng picture. Napapa-retouch tuloy ako kapag alam kong may item na darating,” salaysay naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Yung iba pa nga, naglilipstick pa at pulbo eh. Kulang nalang mag-gown eh. PS. Nagdedeliver din ksi kami ng asawa ko.”

Imahe mula sa Facebook account ni Michelle Fox

“Nakakatuwa po kayo Miss Vavaeng Marangal! Gagayahin ko po iyan kapag dumating na ang mga packages ko. PS. Lalaki po ako,” pabirong banat naman ng isa.

Ikaw, kaya mo bang gawin ang “Vavaeng Marangal Challenge?”

Loading…