Wala pang ebidensiya na nakahahawa sa tao ang aso, pusang may COVID – DOH

Imahe mula sa Science
  • Wala pa raw ebidensiya na nakahahawa sa tao ang mga alagang hayop na may coronavirus
  • Ito ay matapos lumabas sa balita na isang ‘mutated form’ ng virus ang kumalat sa mga minks sa Denmark at Netherlands
  • Iginiit ng DOH na ‘human-to-human’ pa rin ang primary transmission ng virus

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensiyang magpapatunay na mayroong ‘animal to human transmission’ ng coronavirus, o yaong posibilidad na mahawa ang tao sa mga alagang aso at pusa na infected ng virus.

Ginawa ng DOH ang nasabing pahayag matapos lumabas ang balita na isang ‘mutated form’ ng virus ang itinuturong dahilan ng infection na kumalat sa mink farms sa Netherlands at Denmark kamakailan.

Caged minks, The Netherlands| Imahe mula sa CGTN

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base sa inilabas ng Center for Disease Control (CDC) ay nananatiling ‘human-to-human’  pa rin ang primary transmission ng coronavirus.

“Noong nag-uumpisa pa lang ‘yung pandemic, lumabas itong mga issues and or articles na ito na infected daw ‘yung dogs, infected din ‘yung cats. And then of late nga, sa mga articles na ‘yan, ‘yung minks,” paliwanag ni Vergeire sa panayam ng mamamahayag nitong Lunes.

“Ang unang-una nating kailangang tignan, ‘yung evidence na inilabas ng US [CDC] noon na sinasabi nila, na primarily talaga, ‘yung SARS-COV-2 virus is transmitted from human to human,” ayon pa sa Health official.

Nauna nang sinabi ng CDC na ang nakaapekto rin sa mga hayop at maaaring mailipat sa tao, at mahawa ang iba pang tao, subalit napakabihirang pangyayari umano nito.

Imahe mula sa DOH

“At this time, there is no evidence that animals play a significant role in spreading the virus that causes COVID-19… the risk of animals spreading COVID-19 to people is considered to be low,” wika ng CDC.

Nilinaw na rin dati ng World Health Organization (WHO) na wala pa silang ebidensiya ng mga domestic animals na nahawahan ng COVID-19.

We have no evidence to date of COVID-19 infecting domestic animals,” ani Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO representative to the Philippines, noong Marso.

Loading…