#WeChoose2Reuse: Eco group, local women gumawa ng 9.5k reusable face masks para sa informal waste recyclers

Image by EcoWaste Coalition via Facebook
  • EcoWaste Coalition at local women’s group nag-produce ng 9,500 reusable cloth face masks para sa mga informal waste recyclers
  • Inirerekomenda ng World Health Organization ang pagsusuot ng non-medical, fabric masks sa general public
  • Makatutulong sa kalikasan ang pagsusuot ng reusable masks sa halip na throw-away

Nakapag-produce at nakapag-turn-over ng 9,500 reusable cloth face masks sa mga informal waste recyclers ang EcoWaste Coalition katuwang ang local women’s group at sa tulong na rin ng Swedish Society for Nature Conservation. Layon nito na makapamagi ng reusable masks na magagamit na pananggalang sa COVID-19 sa halip na throw-away na nakadaragdag sa plastic pollution.

Image by EcoWaste Coalition via Facebook

Kabilang sa mga nakatanggap ang mga informal waste recyclers sa mga siyudad ng Cebu, Manila at Quezon. Nakatanggap din ang mga taga-General Mariano Alvarez sa Cavite at Taytay sa Rizal.

Pahayag ni Jove Benosa, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition, “We have ventured into this reusable fabric face mask project to underline environmental responsibility amid the novel coronavirus public health emergency, which has triggered increased production, use and disposal of single-use plastic-based face masks that are discarded after use.”

Saad pa nito na habang ang pagsusuot ng mask ay bahagi na ng new normal, hindi naman kailangang lahat ay gumamit ng single-use medical face mask at iba pang throw-away personal protective equipments.

Maaari naman umanong gumamit ng reusable face mask na environment-friendly yamang kailangan lamang labhan makaraang gamitin, at nasusunod pa rin ang good hygiene practices at iba pang COVID-19 protective measures.

Photo from Pexels

Ayon sa World Health Organization, ang pagsusuot ng non-medical, fabric masks ay inirerekomenda sa general public. Samantala, ang medical masks naman ay inirerekomenda sa mga manggagawa sa clinical settings, may karamdaman at mga taong nag-aalaga ng suspected o confirmed cases ng COVID-19.

Sabi ng EcoWaste, “By opting for reusable or washable face masks, we avoid generating non-biodegradable and non-recyclable trash that only adds to the worsening plastic pollution crisis. Over time, discarded masks in the oceans will break down into extremely small particles and may contribute to the microplastic contamination of the food supply chain.”

Image by EcoWaste Coalition via Facebook

Loading…