“We’ve been together for almost a decade”: Pauleen may mensahe sa anibersaryo nila ni Bossing

Image by Pauleen Luna Sotto via Instagram
  • Pinaka-eventful at pinakamasayang bahagi ng buhay ni Pauleen Luna ang halos isang dekada na nilang pagsasama ni Vic Sotto
  • Ani Pauleen: “Your first phone call to me seems like it was just yesterday”
  • Palagi umano niyang ipagpapasalamat sa Panginoon na napangasawa niya si Bossing

Itinuturing ni Pauleen Luna na ang halos isang dekada na nilang pagsasama ni Bossing Vic Sotto ang siyang pinaka-eventful at siya ring pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay. Bahagi ito ng heartwarming message ng misis sa kanyang mister sa kanilang ika-9 anniversary na magkasama.

Image by Pauleen Luna Sotto via Instagram

Saad ni Pauleen, “9 years! I still can’t wrap my head around the fact that we’ve been together for almost a decade! The most eventful decade of my life and definitely the happiest as well. Your first phone call to me seems like it was just yesterday.”

Dagdag pa nito, palagi umano niyang ipagpapasalamat sa Panginoon na napangasawa niya si Vic. Tahimik man daw magmahal ang asawa, malalim naman ito kung magmahal.

Ani Pauleen, ang mister ang siyang nagbigay sa kanya ng meaning at purpose sa buhay. “I love you so much. Happy 9th Anniversary!”

Matatandaang ikinasal ang dalawang Eat Bulaga! host noong January 30, 2016, samantalang ipinanganak naman ang panganay nilang si Tali sa sumunod na taon.

Dahil nirerespeto, ginagalang, minamahal: Pauleen ‘di ramdam ang age gap nila ni Bossing

Medyo malayo man ang 35-year age gap nilang mag-asawa ay hindi umano ito nararamdaman ni Pauleen dahil sa sobra-sobrang pagmamahal at respeto na ibinibigay sa kanya.

Image by Pauleen Luna Sotto via Instagram

“My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.”

Hindi pa raw siya napagtaasan ng boses ng asawa at hindi kailanman naramdaman na mas bata siya at walang silbi. Palagi raw kinukuha ang opinyon nito at pakiramdam niya’y mahalaga siya at malaki ang papel sa kanilang relasyon.

Image by Pauleen Luna Sotto via Instagram

Loading…