Willie Revillame, bagong Kuya Germs? Wowowee director Bobot Mortiz parte na ng Wowowin

Image by GMA Pinoy TV via Facebook | Image by Willie Revillame via Facebook
  • Willie Revillame ikinukumpara sa yumaong star builder na si Kuya Germs
  • Ito’y makaraang mapansin ang pagnanais ni Willie na maitampok ang maraming celebrities sa kanyang programa
  • Inihayag din ni Willie na magiging parte na ng Wowowin ang Wowowee director na si Direk Bobot Mortiz

Si Willie Revillame na nga ba ang uupo sa naiwang puwang sa showbiz ng yumaong star builder na si German “Kuya Germs” Moreno? ‘Yan ang paniniwala ng marami makaraang mapansin ang pagnanais ni Willie na maitampok sa kanyang programa ang maraming celebrities.

Image by Willie Revillame via Facebook

Ngayong Biyernes ay muling magbabalik-studio ang Wowowin para sa segment na InstaJam kung saan linggo-linggo ay itatampok ang talento ng mga kababayan partikular ang mga mang-aawit mula sa GMA Network.

Ayon sa Kapuso Netizens, kapansin-pansing kapareho ito sa ginagawa noon ni Kuya Germs kung saan itinatampok niya at pinapasikat pa lalo ang mga personalidad sa kanyang mga programa. Kilalang programa ni Kuya Germs ang GMA Supershow, That’s Entertainment at Walang Tulugan.

Komento ng isa, “Agree ako jan. Matagal ko na siyang napapansin na gusto niyang magkaroon ng show ‘yung mga artist at gusto niyang laging nai-expose ‘yung mga singers ng GMA.”

Saad ng isa pa, “Sana gumawa ang WBR Productions ng mala-SOP na variety show.”

Samantala, ipinabatid ni Willie kamakailan sa programang Wowowin na magiging bahagi na ng show si Direk Bobot Mortiz. Si Direk Bobot ang direktor noon ng kanyang programang Wowowee sa ABS-CBN.

Image by Willie Revillame via Facebook

Pahayag niya, “Okay, si Direk Bobot Mortiz po ang original na original na creative director ng Wowowee, ngayon nandito siyang muli, gusto ko lang pong i-report sa inyo ngayong araw na ito si Direk Bobot po ay magiging overall production head na po ng Tutok to Win Wowowin WBR Productions.

“That’s right, si Direk Bobot na po ang aming magiging boss dito. Direk, thank you very much at mula ngayon pa lamang, sama-sama kami.”

Panoorin ang video mula sa Wowowin YT channel:

Loading…