“Wiper Gang” sa Ermita dinampot ng MPD

Screenshot mula sa video ni Cerwin Galicia
  • Pitong menor de edad na miyembro ng “Wiper Gang” ang dinampot ng MPD
  • Ang operasyon ay ginawa kasunod ng mga reklamo mula sa mga nabiktimang motorista
  • Nasa pangangalaga na ng Manila Department of Social Welfare and Developement Office ang mga menor de edad

Sa utos ni Mayor Isko Moreno, dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang grupo ng mga kabataan na nambibiktima sa mga motoristang dumaraan sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.

Screenshot mula sa video ni Cerwin Galicia

Ang pitong kabataan na ang edad ay mula 8 hanggang 17 ay mga miyembro ng tinatawag na “Wiper Gang” na ang modus operandi ay lalapit sa mga sasakyang nakahinto sa stoplight at biglang babasain ng tubig na may halong sabon ang windshield at saka pupunasan.

Pagkatapos linisin ang windshiled ay nanghihingi ng pera ang grupo. At kung walang maibigay ang motorista ay kadalasang ginagasgasan ang sasakyan o kaya ay aangatin ang wiper.

Dakong alas-nuwebe y medya ng umaga nang simulan ng mga pulis mula sa Ermita Police Station ang operasyon sa mga kalsadang nasasakupan nito matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga nabibiktimang motorista.

Unang nasakote ang apat na miyembro na grupo na ang edad ay 17, 15, 8 at isang sampung-taong gulang na batang babae. Dinampot sila sa panulukan ng Roxas Boulevard at Kalaw Avenue.

Imahe mula sa Philippines CCTV & Dashcam Spotted Facebook page

Dakong alas-diyes y media ay nadakma naman ang tatlo pang bata na miyembro ng naturang gang sa kaparehong lugar. Ang isa ay katorse anyos at ang dalawa pa ay kapwa sampung taong gulang.

“Hindi na natin kailangan hintayin ang viral na hinaing ng tao, dapat aksyunan ang anumang sumbong o idinudulog ng ating mga kababayan, Mas magandang marinig natin o makita sa social media na ramdam ng mamamayan ang presensya at serbisyo ng ating kapulisan,” pahayag ni National Capital Region Police Oiffice Director Brigadier General Vicente Danao, Jr.

Ang mga menor de edad ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng Manila Department of Social Welfare and Development Office.

Imahe mula sa Philippines CCTV & Dashcam Spotted Facebook page
Source :

Philstar, Tribune

Loading…